1

13 0 0
                                    

Nalunok ako dahil nasa part na pala sila ng kissing scene. Naririnig ko si Direk Ralph na may hawak na megaphone.

"Closer.. closer.. then, Harvey titigan mo sya with sincere, ikaw din Celine.." utos ni Direk sa dalawang bida. Hanggang sa papalapit ng papalapit na kanilang labi nang biglang. "OKAY, CUUUT!!"

Cut? Bakit di sila nag-kiss?

Napalingon ako kay Direk Ralph na pinagbreak na muna sila Indigo na gumaganap kay Harvey at si Trinity na gumaganap kay Celine.

"Luna!!" May tumawag sakin at nakita kong si Ate Le-Ann na isa sa mga staff ng shooting. "Water please?" Anya na inalalay si Miss Trinity sa upuan nito at tinapis ng roba ang katawan nito dahil sa suot nitong swimsuit.

Agad na kong lumapit sa kanila. "Miss Trinity, water po." Sabi ko, binukas ko muna yung bottle water sa kaniya saka ko binigay sa kaniya.

"Thanks, Luna."

Agad kong inagaw kay Ate Le-Ann ang pamaypay sa kaniya. "Pahiram muna ate. Ako na lang magpapaypay sa kaniya." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Hay. Sayang! Bakit hindi natuloy ang kiss, Miss Trinity?"

Pinasandal ni Miss Trinity ang kaniyang likod sa sandalan ng kaniyang upuan. "Iyon ang nasa script." Sabay ngiti nya.

Habang pinapaypayan ko si Miss Trinity ay napasulyap ako kay Indigo sa di kalayuan na sobrang gwapo at hot! Topless sya, pero may towel na nakapatong sa kaniyang likuran. Bigla akong umiwas ng tingin nang bahagya syang napalingon rito sa gawi namin.

Heto ang trabaho ko, ang pagiging personal assistant ni Miss Trinity. Sa two years kong pagtatrabaho sa kaniya, nakita ko na ang ugali nya sa labas ng camera. At heto lang ang masasabi ko, napakabait nya dahil parang kapatid na ang turing nya sa akin, pati na rin sa mga nakakasama nyang staff at crew ay palakaibigan sya. Hindi tulad ng ibang artista ay minsan maselan o masungit off cam.

I Couldn't Love You MoreWhere stories live. Discover now