6

9 0 0
                                    

Nagulat ako nang lumuhod sya sa harap ko at hawak nya ang red envelop at binukas nya iyon sa harap ko at doon ay may nilabas syang isang papel at binasa ko iyon.

'Please give me a chance, baby.' iyan ang nakasaad sa papel.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang mas nahihirapan ako sa sitwasyon nya? Hindi ko na namalayan tumulo na ang luho ko, pero hinayaan ko lang.

"Pero tama bang iwan mo ang lahat para sa akin? Paano ang mommy mo? Nandyan ka na sa kinatatayuan mo, aalis ka pa? Alam mo ba kung ano magiging kahihinatnan kapag umalis ka sa showbiz? Tatalikuran ka na ng mga fans mo. Mapapahiya ka lang."

"Yun nga ang gusto ko. Ang talikuran na ko ng lahat, wag lang ikaw dahil mahal kita." Tumayo sya mas nilapit nya ang kaniyang sarili sa akin. "Mas iniisip mo pa ang iniisip ng iba, kesa sa akin. Isang tanong, isang sagot. Mahal mo pa ba ako?"

Mahal ko pa sya pero nahihirapan ako sa sitwasyon nya. Feeling ko, ako lang magpapasama sa kaniya.

"Mahal pa kita, pero hindi na tulad ng dati. Sa tingin ko makakahanap ka pa ng iba na mas higit pa sa akin. Wag mo ng talikuran ang lahat dahil iyan na talaga ang nakatadhana sayo. Balang-araw makakamit mo rin ang lahat, pero hindi na ako ang dahilan ng iyon. Ayokong mapasama ka ng dahil sa akin lalo na sa mommy mo. Wag mo sya bibigyan ng sama ng loob. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi kita nakilala" Hanaplos ko ang kaniyang pisngi at pinunasan ko ang kaniyang luha. "Patawarin mo ko kung wala ako sa tabi mo noong panahanong sobrang kailangan mo ko. Kung maraming nanghuhusga sayo. Patawad sa lahat. Mahal kita, pero masakit na pakawalan ka. Tama ang mommy mo, mapapasama ka lang sa akin." Mas lumapit ako upang mayakap ko sya, ramdam ko din kung gaano kahigpit ang yakap nya sa akin ngayon. Parang ayaw na nya kong pakawalan.

"Ayoko. Dito ka lang sa tabi ko, please. I'm begging you, Luna. I need you more. I love you so much. Don't leave me like this."

"I won't leave you, I'll stay until you okay."

"Hinding hindi ako magiging okay."

Kumalas ako saglit sa pagkakayakap ko sa kaniya nang muling kaming nagtitigan, pero yung tingin nya sa iba na tumungo kundi sa labi ko na agad nyang sinunggaban ng halik.

I Couldn't Love You MoreWhere stories live. Discover now