2

8 0 0
                                    

Success nang natapos ang shooting. Nandito kami ngayon sa labas ng van upang hintayin si Miss Trinity na nakipag-usap pa kay Indigo.

"Guys! Nag-chat si Direk." Lahat kami ay napalingon kay Jake na isa sa mga staff. "Si Sir Indigo na lang maghahatid kay Miss Trinity."

"Naku.. mukhang date na, ah?" Sabi nung isang babae.

"Sana naman bagong loveteam na to. Sobrang bagay kasi nila." Sabay kilig pa nila.

Napailing na lamang ako at puamsok na sa loob ng van. Hindi ko na kaya mga pinagsasabi nila tungkol sa dalawa.

Habang nasa byahe ay sinandal ko ang ulo ko sa bintana at nakatanaw ang paningin ko doon. Di pa rin sila matapos-tapos sa kwentuhan ng mga kasama ko tungkol kina Indigo at Miss Trinity.

Bigla tuloy ako napa-throwback sa isipan ko yung last year na hindi namin inaasahang magtatagpo ang aming landas ulit.

- throwback -

1 year ago..

Sa isang Press Conference ko sinamahan si Miss Trinity dahil kasama din sya sa isang movie.

Lumabas na ko ng cr para makabalik agad ako sa backstage nang biglang may nakabungguan ako. Napaangat ang tingin ko at bahagya akong napasinghap sa gulat. "D-Digo.." mahinang sambit ko.

"Luna.." mabilis nyang nahawakan ang braso ko.

"Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko. Nabitawan nya ko. "Wala kong panahon sayo."

"Let us talk. Let me explain." Nakita ko ang mukhang nyang nagsusumamo.

Tinitigan ko sya ng matalim habang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Ibang iba na talaga sya. Hindi ko sukat akalin na papasukin nya ang mundo ng showbiz.

"Di mo ba narinig ang sinabi ko? Wala na kong panahon sayo tulad ng sinabi mo rin noon sa akin, kaya ngayon alam mo na!" Saka ko na sya tinalikuran, kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Hindi ko pa rin mapigilan maging emosyonal lalo na yung kung paano nya ko binalewala. Yung mga araw na wala na syang oras at panahon sa akin, iyon na pala ang hudyat ng pagpasok nya sa mundo ng showbiz.

Buong akala ko ayaw nyang maging artista, pero heto na sya ngayon.. Artista na.. It's already explained a lot.

- End of throwback -

I Couldn't Love You MoreWhere stories live. Discover now