5

9 0 0
                                    

Biglang bumilis ang tibok ng puso kong traydor. Hindi maaari to. Hindi tamang nandito sya. O baka naman kasama nya si Direk dito? Aaarrggghh!!!

Aatras na sana ako nang makita kong lumingon sya sa gawi ko.

"Saan ka pupunta? Kanina pa kita hinihintay." Seryoso nyang sabi sa akin. Napalunog pa ko dahil topless sya.

Napalingon lingon agad ako sa paligid ko baka may mga taong nakatingin sa akin at pagchikahan kami.

"Walang tao sa paligid." Anya pa.

"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ko sa kaniya na tila hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng bumalik kay Miss Trinity. "N-Nandyan ba si Direk? Bahala ka dyan, hahanapin ko sya."

Tatakbo na ko nang bigla nya kong hinabol at nagulat ako nang nahawakan nya ang siko ko upang patigilin ako, napalingon tuloy ako sa kaniya na nakasibangot.

"Wala si Direk."

"Ano?!" Mas lalo akong nainis. Napasinghap ako sa gulat nang bigla nya kong niyakap ng mahigpit. "Inidigo! Ano ba?! Bitawan mo ko!" Pilit kong bumiglas at kumalas sa mga bisig nya pero di ko magawa.

"Please kahit ngayon lang, Luna. Mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako. Pero sa ngayon, hayaan mo muna kong yakapin kita ng ganito. I missed you badly, Luna. My Baby."

Napahikbi na lamang ako nang marinig ko ulit yung tawagan namin noon sa isa't isa. Hindi ako iiyak at hindi titibok ulit ng ganito ang puso ko kung hindi ko na sya mahal. Pero nagkamali ako.

Marahan akong napahawak sa kaniyang likuran na pawisin dahil sa init ng sikat ng araw.

Pagkatapos ng yakapan scene namin ay dinala nya ko sa balcony ng kaniyang tinutulayan dito sa resort. Hindi ako kumikibo habang nakatitig ako sa kaniya at hinhintay ang kaniyang paliwanag. Marahan nyang hinawakan ang mga kamay ko at hinaplos-haplos nya ito.

"Kahit ayaw ko, pinilit ako ni mommy na pasukin ko ang showbiz. You know mom, right?"

"At ayaw din ng mommy mo sa akin." Walang emosyon kong sabi sa kaniya.

"I'm sorry for that. Pero ngayon hindi na ko natatakot, I can sacrifice everything just to be with you, because I really love you. Hindi mo alam kung ano pinagdaanan ko bago ko nakamit ang career na to, pero dahil sayo babalewalin ko na mga iyon. I told mom na gusto kitang makasama ng simple lang at hindi sa ganito na maraming camera sa paligid ko. Mas gugustuhin ko pang i-handle ang company ni Dad kesa sumunod sa yapak ni Mom. Nagalit ako nang ibebenta na ni Mom ang naiwang company ni Dad sa ibang negosyante. You know nakumalat ang issue about sa nagwala ako sa isang bar? It's because of you and Dad's company. I'm druck that time. Gusto kitang hanapin, but I don't know where the hell could I find you. That time, I don't let anyone wanting to comfort me. Just you that I wanted to be my side, who knows how to comfort me. Its only you can handle me. Who knows me a lot. That's why I still love you."

I Couldn't Love You MoreWhere stories live. Discover now