SMTP 17

533 8 4
                                    

Isang linggo. 

Isang linggo na parang isang taon ang itinagal. 

Yung linggo na yun, dinaig pa ang hell week ng college students dahil sa sobrang hirap. 

Isang linggo na kasi silang nag-iiwasan. At alam niyo kung bakit.

Lutang na lutang si Kath nitong mga nakalipas na araw. Ayaw niyang pansinin si DJ, hindi niya din alam sa sarili niya kung bakit.

Dahil ba sa yakap na yun? 

Dahil naiilang siya? 

Aba, ewan niya. Masyadong magulo ang lahat. 

FLASHBACK

Nung na realize niyang si DJ ang nayakap niya at hindi si Ate Roanna, wala siyang ginawa. Baliw siyang tunay, yun ang naisip niya. Naka-wrap na rin sa kanya ang mga braso ni DJ. Wala ding ginawa ang lalaki.He had the feeling that holding her like that is the right thing to do.  They remain in that positioned for like 5 seconds, until Ate Roanna saw them. 

"Oh Gosh!" 

Agad bumalik sa kanilang wisyo ang dalawa. Lumaki ang mga mata ni Kath. 

Ano ba tong pinasok ko, naisip ni Kath.

"Ate, sorry hindi na ata ako makakasama. Biglang sumama pakiramdam ko eh. Kahit ako na lang yung gumawa ng Phase 1. Thank you Ate. Paki sabi na rin kay Tita--" 

"Hatid na kita!" pagpiprisinta ng lalaki. 

"Wag na, okay lang ako." She managed to flash a weak smile to Ate Roanna. Kay DJ, tinignan niya lang ito. Saka siya tumakbo paalis. 

END OF FLASHBACK

Naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Kaya niya iniiwasan si DJ. Sa pagkakaalam niya, crush lang naman niya si DJ. Oo, crush lang! Pero bakit ganito yung naramdaman niya nung napakayap siya ng ganun?

Hindi ba dapat, ang reaction lang niya, "OMG Chansing ka Padilla ha!" at sinapok na lang niya si DJ.

Pero hindi eh. Big deal sa kanya yun.  Hindi niya alam kung bakit niya iniwasan si DJ. Nung Tuesday, makikipag-usap na sana siya para walang 'awkward vibe'. Pero walang kumawala sa bibig niyang mga salita ng nakaharap na niya ito. 

Ganun din ang nangyari nung Wednesday. 

Nung Thursday din. 

At nung mga sunod pang araw. 

Akala niya papansinin siya ni DJ. Palagi naman kasi silang nag-uusap. Madalas kinakausap siya ni DJ tuwing may klase, o kaya naman nag-p-PM sa kanya. Pero nawala ang lahat ng iyon.

And she have to admit, namimiss na niya yung mga gestures nito. Yung pangangalabit nito sa kanya at pagkukunwaring di siya yun, yung paglalaro nila ng Tic Tac Toe kapag bored sila sa tinuturo ni Mam.. Lahat! 

She's more than perfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon