SMTP 15

601 8 0
                                    

(Kathryn's POV)

Umuwi na ang magaling kong bespren na si Pao at ang kanyang boypren at mga alipores nito. Ang balita? Naiwan kami ni DJ dito.

Hinihintay na lang namin sila Ate Roanna umuwi galing mall. Sabi kasi nitong mokong na to, in-invite daw ako ni Ate Roanna.

*Beep*

"Uy. May nag-text ata.." sabi niya at kinuha mula sa bulsa niya ang cellphone niya para tignan.. "saaaaaaken."

Binasa niya ng malakas yung nakasulat habang nakaupo kaming dalawa sa sofa nila at kumakain ng popcorn, "'DJ, Nak, hindi na kami makakauwi diyan. Sobrang daming gustong gawin ng ate mo. Sumunod na lang kayo ni Kath dito at dito tayo mag didinner. Agahan niyo nga pala. Mga 7 kasi attend pa tayo ng mass. Ingat.'"

*Beep*

"Ay may isa pa." sabi niya at binasa ulit ang text, "'Nag-text nga pala sa akin si Min, di daw siya makakasama kasi marami pa siyang kailangang gawin kaya si Kath na lang daw.'"

"Ay, di na kasama si mama?" bigla naman akong nalungkot. Parang ang loner ko naman! tska kumbaga sa party, gatecrasher lang ako!

"Ayos lang yon, ano ka ba." sabi niya, "di ka naman iba sa amin."

Awkward silence. KRUU KRUUU

Tumayo siya at sinabing, "Wag ka talagang aalis dito ha. Maliligo lang ako tapos syempre mag-bibihi--"

"Like duh, DJ! Malamang mag bibihis ka." 

"Oo, at wag mo kong papasukin sa kwarto ko habang nagbibihis dahil bata pa ako."

"Umasa ka!"

"Hahahahaha! Pagtapos ko, alis na tayo, ida-daan kita sa inyo para makapagbihis ka," napatigil siya. "Yun, tas deretso na tayo sa simbahan."

ANSAVEHHHHHH NG DIRETSO SA SIMBAHAN?!

Alam kong OA pero bakit nagpaulit ulit siya sa isip ko. IBA ANG ARRIVE!

"Diretso na tayo sa simbahan, as in, may misa kasi at magsisimba tayo, diba?" sabi niya. Narealize niya siguro yung kasasabi niya lang kani-kanina!

"Ok sure. Go ahead. Maligo ka na, baho mo na."

**

"HOMAYGAD!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Epic ng reaction mo, Kathryn!"

Naupo ako sa sofa. Nakahiga na pala ako kanina dito at nakatulog na! Nakakahiya, dito pa ako naki-idlip! Ginulat niya lang naman kaya ako napa- 'Homaygad!' Nagiging hobby na niya manggulat, not good. Pagbukas ko ba naman kasi ng mga mata ko, mukha na kaagad niya ang tumambad sa akin! NAKA SHADES PA KAYA FEELING KO BUBUYOG ANG NASA HARAPAN KO!

"What the hell, Padilla! Mukha ka talagang bubuyog. Tanggalin mo nga yan!" sabay turo sa shades niya.

"Pogi ko namang bubuyog."

"Ano may sasabi ka baaaaaaa?"

"Oo, sabi ko ang pogi ko at tumayo ka na dyan, aalis na tayo." at nag wink pa ang loko! Hoy. Di ako kinilig, leche. =)) aba't hinila pa ako patayo ng sofa!

"Wow, self-proclaimed?!"

"Hahahahaha! Ewan. Dali tara na!"

Lumabas kami ng bahay. Ni-lock na niya yung pinto. "Tatawag ako ng trike. Lock mo gate niyo." so ako pa talaga ang nagutos. Hahahahahaha!

"Wag na. Magkokotse tayo."

(O.O) SERYOSO BA TO (O.O)

"Uy dali, tara na!"

She's more than perfectWhere stories live. Discover now