SMTP 3

911 15 1
                                    

Daniel's POV

"Ibuhos na ang beer sa 'king lalamunan

Upang malunod na ang Puso kong nahihirapan

Bawat patak anong sarap

Ano ba talagang mas gusto ko

Ang beer na ito O ang pag-ibig mo!!!!!!!"

Nandito ako ngayon sa bahay nila Katsumi kasama ang barkada. Umiinom. Pero di naman. Shot shot lang. Malaki kasi ang problema ni Kats. Nasisiraan na ng bait. Joke! Nag-break kasi sila ng girlfriend niya. Titignan niyong ganyan ang itsura ni Katsumi, pero totoo magmahal yan. Hahahaha/. 

"NAIS KONG MAGPAKA SABOG DAHIL OLATS AKO KAHIT ANO HIHITHITIN KAHIT TAMBUTSO!!!!!!!!!!"

Malakas talaga tama nitong si Katsumi. Kumakanta sa karaoke, naka-mic na nga, sumisigaw  pa. Iba na talaga pag-sawi. Buti di pa kami binabato ng kapitbahay. 

"Shabihin niyo nga sakin, pangit ba ako?" tanong niya, "OO g@go pangit ka!" sabi ko ng pabiro, syempre walang pikunan to. Tumawa naman silang lahat. 

"Ulul! Gwapo nga ako eh!! Ha ha ha! Diba noh JC at Seth? Mabait pa ako! Ano pang hahanapin sha kin? Ha ha ha ha magsisisi yun." tapos tumawa siya. Napailing na lang kaming apat. Dumukdok naman si Kats at biglang humagulgol.

"Masyado kong mahal si Paola! Nakakag@go mga pre. Di ko na ata makakaya na wala pa siya. Nagtino nga ako para sa kanya eh." At napa "weh?!" naman kaming lahat.

"Ha ha ha. Sheryosho, masyado ko ng mahal yung tao. Ha ha ha" sabi niya sabay tingin sa bote na kanina pa niya iniinuman. "Mga pare? Nakakabading ata to."  

"Nakakabaliw yan pre, umiiyak ka tapos tumatawa ka? Iba na yan bro." sabi naman ni Lester. 

"Psh, basta gagawin kong lahat para maging kami ulit ni Pao." At dumukdok na siya at natulog na ata. 

--

"Bro, Daniel!" 

"Oy?" 

"May load ka ba? Tawagan mo to." sabi ni JC habang hawak hawak ang cellphone ni Katsumi. 

"Ha? Sino? Ayoko nga!"

"Dali  na! Si Paola lang to! Gumagawa lang tayo ng paraan para magkabalikan kaagad yung dalawa!" inabot niya sakin yung cellphone, "Dahil kung hindi, bah mamumulubi si Katsumi sa kabibili ng beer." 

"O sige sige, akin na nga." tapos kinuha ko yung phone at kinopya yung number nung Paola. 

--

"Hello?" sabi sa kabilang linya. 

"Hello, friend to ni Kats. Ikaw si Paola di ba?"

"Ah, no. Friend din ako ni Pao. Nakatulog na kasi siya sa kakaiyak kaya ako na yung sumagot nung phone niya.."

She's more than perfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon