SMTP 12

618 9 4
                                    

(Kathryn's POV)

Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis lumipas ng weekdays ko.

Di ba, kapag weekdays, yun yung usual na nag-tatagal? Sakin baligtad! Sobrang konti lang ng nangyayari sa weekdays ko. Puro weekends ko ang nagtatagal. 

Di ko alam if that's a good sign or not. Haha. Anyway, home alone. Umalis si mama kahit umuulan, may dala siyang car tsaka kasama niya ata ang bestfriend niyang si Tita Karla. Naks nga si mama eh, kung makagala parang high school. Haha! Kidding. I hope na hindi sila bahain. 

Sobrang lamig ngayon! Naka-jacket na ako, pero ang lamig lamig pa din. Kulang na lang mag lagay ako ng kumot sa katawan ko habang nagtitimpla ng kape.

Pumunta ako sa sala. Grabe, sobrang boring. Wala akong maka text dahil wala akong load. lol. Nanuod akong TV. Puro news. Walang matinong palabas. 

Tinignan ko yung lalagyan namin ng DVD, ano kayang magandang panuorin? Nag browse ako, at nakita ko yung movie na Coming Soon. 

Gusto ko sanang panuorin kaso mag-isa lang ako. Nanunuod lang ako ng horror kapag kasama ko si Pao eh! 

Pero dahil nagtatapang tapangan ako (lol), sinalang ko siya sa DVD player at nagsimulang manuod. Bahala na si Batman! 

Nagsimula yung movie. Pinapakita pa lang yung productions, kinikilabutan na ako. Binalak ko pang itigil na lang yung panunuod ko kaso natakot akong umalis sa pagkakabalot ng kumot ko at lumapit sa DVD player. 

Humigop ako ng kape na inilapag ko sa sidetable ko. Hmmmm. 

1st scene pa lang, gusto ko na talagang sumuko. Waaaaaaaaaaaaaa! I tried to comfort myself, hihigop ulit ako sa kape pero nakita ko, WALA NG LAMAN! 

Ohmygoodness! Ohmygoodness! Ohmygoodness! Ohmygoodness! Ohmygoodness! Lord, spare me! Minumulto na po ako in advance ni Shomba!!!!!!!!!!!!!! HOMAYGADD! Nilakasan ko na ang loob ko na tumayo, papatayin ko yung DVD player. I'll call Pao o kaya si mama. HINDI KO NA KAYA MAG ISA!!!!! 

Pagtayo ko, may brasong napayakap sa bewang ko. 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!" 

***

"Huy! Tigilan mo na pag luha mo! Relax!" sabi niya. 

"Ano ka ba?!?!?! Relax?! after mo akong takutin?!" 

"Yun lang eh!" sagot niya. 

"Anong yun lang? I almost had a heart attack!" 

"May sakit ka sa puso?!" -D

"Wala, kyeme lang."

"Baliw."  -D

"Mas baliw ka! Bading!!! Namamaiyak ka ng babae! GAY!!!" Sabi ko habang humihikbi. 

"Hindi ako gay!" 

"Yes you are! Namamaiyak ka ng babae! Gay! Bading!"

"Isa pang sabi mo na gay ako.." -D

"Ano? You'll slap me?! Badi--" -K

"HAHALIKAN KITA!" 

"--Eto na nga wala na akong sinabi." 

Natural, manahimik ako. Kahit naman gwapo tong si DJ-- (Oh, scratch that!) hindi ako papayag na mahalikan ako neto! Dalagang pilipina ako!

Tapos tumawa lang siya ng wagas na napasabi na ako ng, "Problema mo?" 

"Ang cute mo kasing mataranta! Hahahahahahaha! Takot ka palang mahalikan eh. I should use that trick  more often to shut you up." sagot niya habang umupo sa tabi ko. 

"Che!!!! Timpla mo ako ng kape! Inubos mo kape ko! Natakot pa ako dahil biglang nawala yung laman!"

"Huh?! Wala akong iniinom na kape."

"LOL ASA." sagot ko at pinunasan ang natitirang kulay brown sa gilid ng bibig niya, yung sa kape. Ah, alam niyo na yun."

"Psh, di pa nakalusot. Hahahaha!" 

"Kape ko, dali! Go go!" sabi ko. 

"Wag na! Kumain ka na lang nito." sabay lapag ng plastic sa gitna namin. "may dala akong meryenda kasi hanggang dito ako maghahapunan." 

"EXCUSE ME?!" 

"Male-late daw ng uwi si mama mo tska mama ko! Eh kasama niya lahat ng tao sa bahay except ako. Hindi pa naman ako sanay magluto. Kaya ayan, sa akin ang meryenda, sayo ang hapunan." 

"Mautak ka rin talaga noh?" tanong ko at binuklat ang plastic. Habang siya, pinlay yung pinapanood kong Coming Soon. 

Puro junk foods. Pero may isang pumukaw ng atensyon ko. 

Cadbury. 

Without Almonds. 

Yehey ang saya saya. 

"Tuwang tuwa ka naman dyan?"  tanong niya. 

"Eh kasi, may dala ka rin palang chocolate! Without almonds pa!" sagot ko at kinuha na yung chocolate. "Dami mong nakulimbat sa grocery stock niyo ah." pumunta na ako sa ref para itago yung chocolate.

"Hoy kath share tayo dyan!

 "Ayoko nga!" 

***

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito na kami ka-komportable sa isa't isa. At oo, crush ko siya. Wala namang masama dun eh? Hindi naman ako isang die-hard. Kung nandyan, okay. Kung wala, steady lang. Tska, mag kaibigan lang talaga ang turingan namin niyan. 

Mas maganda kung ganoon. 

At hindi naman masama makipagkaibigan sa anak ng bestfriend ng mommy mo. Friends lang naman eh. 

"Kath! Tara dito dali! Nuod ka na! Nandyan sa kusina si Shomba bahala ka!" 

at tumakbo na nga ako papunta sa living room. 

Hay, Kath. Minsan talaga may pagka-uto-uto ka. 

She's more than perfectWhere stories live. Discover now