SMTP 7

739 15 1
                                    

Daniel's POV

Enchanted kingdoooooooom! ♫ 

Ayan na naman yung nakakairitang boses nung kumakanta ng themesong ng EK. No offense, pero ang sakit talaga sa tenga! 

Yun nga, nandito kami sa EK. Natural, san pa ba mag-fi-fieldtrip ang mga kinder? Haha. Pero okay na din yon, kasi ang tagal na din naman nung huli kaming pumunta dito. 

"Mga mommy, mga daddy," panimula nung teacher-in-charge, nagkatinginan kami ni Kath. AWKWARDDDDD! "Una po natin pupuntahan ang Rialto. Medyo maliit lang po yon kaya't napagdesisyunan namin na mga bata lang muna ang manonood." 

Nag-react naman kaagad ang mga magulang. 

"Pwede po kayo munang mamasyal-masyal. Pagkatapos po kasi nito ay didiretso po kami ng 4D discovery theater." pag-e-explain niya, "pero sige po, pwede pong sumama samin ang limang magulang para tulungan muna kaming magbantay sa mga bata." 

Tumingin kaming dalawa kay Carmella at sinenyasan kaming umalis. Yung bang shoo-shoo.  "Hoy kuya, wag ka ng torpe, chance na yan." tapos bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. 

"Halika na mga bata, tara na sa loob." sabi nung teacher at sumunod na yung limang magulang at mga bata. 

"Ingat ka, Carmella!" bilin namin ni Kath sa kanya. Naiwan kaming dalawa. 

So, ano na? 

-

"Space shuttle!" 

"Dodgem!!!!" 

"Space shuttle!" 

"Dodgem!!!!"

"Space shuttle na!" 

"Dodgem na lang! Safe doon!!" 

(Dodgem= bump car)

Nagtatalo na naman kami. Paano ba naman kasi, Dodgem na lang daw sakyan namin. Jusme. Pumunta ba kami ng Laguna para lang mag banggaan?! 

"Dodgem na lang tayo, DJ. Kung ayaw mo, swan lake na lang!" SWAN LAKE?! WAHAHAHAHA!

"Seryoso ka?" 

"Mukha ba akong nagloloko?" Oo Kath, seryoso talaga?! hahaha

"Bakit ba ayaw mong sumakay sa Space Shuttle?" tanong ko sa kanya. 

"Natatakot ako.."

"Kasama mo naman ako." sabi ko at sabay lagay ng kamay ko sa balikat niya. Bigla siyang napatingin at na realize ko naman kung anong ginawa ko kaya naman tinanggal ko agad.

 "Sige na nga! Pero isang beses lang. Ngayon lang talaga!!"  sagot naman niya. Buti naman madali lang siyang kumbinsihin.

Naglakad kami papunta sa space shuttle. Buti di masyadong mahaba yung pila. Habang nakapila kami, nakatumungo siya. 

"Kath.." sabi ko, tumungo pa siya lalo. "Huy, Kath." tinignan ko ang mukha niya at nakita kong naluluha siya! Aya! Baka akalain ng mga tao dito pinaiyak ko siya! "Kath, wag kang umiyak!" 

She's more than perfectWhere stories live. Discover now