SMTP 14

629 11 2
                                    

(Daniel's POV)

"Hoy. Asan ba kasi sila Mella? Ang boring naman dito!"  tanong ni Kath sakin. Nandito na kami sa Living room. Kami-kami lang yung nandito. Wala si Ate, wala sila Mama, wala si Mella, walang maid.

"Kulet. Birthday nga ngayon ni Ate Roanna. Umalis sila kanina bago ka pa dumating." sinabi ko na kasi 'to sa kanya. Pang limang beses na. 

Boring na boring talaga siguro siya. Sila ni Pao, walang ginagawa. Nakatunganga lang. Naglalaro kasi kami ng 2k12, kaming mga lalaki. Kanina pa nilang gustong umuwi, kaso ayaw pang pauwiin ni Katsumi yung girlfriend niyang si Paola. Mamaya na daw, siya na maghahatid. At syempre, hindi naman mag sstay si Pao kung walang Kath. 

Tska isa pa.. 

"Kath, wag ka na muna kasing umuwi." sabi ko kanina nung muntikan na siyang lumabas ng pintuan namin. Lumingon siya, ngumiti ako at nag 'please' sa kanya. Pumayag naman siya. Yes!!

Teka nga, teka, bakit ba ang saya saya ko?

"Uuwi na kasi ako!" sabi niya pa, nagmamaktol. Nakita ko pa ngang pinipigilan nina JC ang pagtawa habang naglalaro.

"Bored na bored na yung girlfriend mo. " bulong ni JC.  Mukhang narinig naman ni Kath dahil medyo tumigil siya. Hahahahaha

"Mukha mo, girlfriend!" sigaw ni Kath kay JC at napatawa na lang kaming lahat.

"Wag ka muna kasing umuwi! Dito ka na mag-dinner."  Natigil talaga sa paglalaro sina Seth, JC, Katsumi at Lester, napatingin sila sakin ng nakakaloko, "Kayo. Kayong lahat. Dito na."

"Ah, kala ko kasi si Kath lang eh!" sabi naman ni  Katsumi. 

"In-iinvite ka ni Ate Roanna." sabi ko kay Kath para maniwala talaga siya. Sa totoo lang, hindi naman talaga, family nga lang mamaya eh. Sinabi ko lang. Pero I'm sure naman papayag yun. Si Kath yan eh. 

"Hindi ako pwede later nga pala! Uuwi na ako mamaya, mga 5 pm!" sabi ni Paola at nagsalita din si Kats, "Syempre ako sasamahan ko si Pao!" 

"Hindi ako pwede DJ." Sabay sabay na sabi nina JC, Seth at Lester. SET UP NIYO NA NAMAN TO! MGA KUPAL! 

"Ako di—“  sabi ni Kath pero pinutol ko kaagad yung sasabihin niya. “Kailangan mong sumama. Sasama din Mama mo.”   

“Pasalamat ka—“

“Ano, na malakas ako sayo?”

“Che! Si Ate Roanna! Hindi ikaw!”

Tinext ko si Mama, sinabi ko na niyaya ko si Kath at kung pwede isama si Tita Min, at ang reply niya?

“Oo naman! Ang saya nga ng Ate mo nung nalamang ikaw pa ang nag invite kay Kath. She smells something fishy daw. Ako din may naamoy. Hehehe.”

 

Ewan ko ba kung bakit pinilit ko pang yayain si Kath tapos ang saya ko pa. Ewan ko talaga. Clueless ako mga bro.

She's more than perfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon