SMTP 12.5

655 11 2
                                    

(Daniel's POV)

Sa totoo lang, kaya ko naman talagang sa bahay lang ako mag-stay. Kahit magluto lang ako ng pancit canton para mamaya sa hapunan, solb na ako eh. Eh kaso nga lang talaga, gusto ko lang may kausap, ayokong mapanis laway ko dito. 

Di ako pwede kay kila Katsumi, nakakahiya andun din kasi buong pamilya niya. 

Kila JC, baha. 

Ganun din kila Seth.

Kay Lester, masyadong malayo. 

Kaya kila Kath na lang. 

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito na kami ka-close. Wala eh. Dala na rin ng panahon. Lagi kaming nagkakasama. Tas nasasakyan namin ang trip ng isa't isa. Kumportable na kami. Kahapon, kulang na lang magbatuhan kami ng upuan sa classroom, diba? Pero sinasabi ko sa inyo, natural lang yon. Normal. Ganun lang talaga kami. 

***

Naka-pause pa yung pinapanood naming coming soon dahil naghanda siya ng meryenda.

"Ang vain mo naman!" sabi niya. Nasa harap kasi ako ng salamin, inaayos ko ang buhok ko. Nabasa kasi ng ulan kanina nung nagmotor ako papunta dito. 

"Nag ayos lang ng buhok, vain na kaagad?!" 

"Yes, considering 5 minutes ka na dyan sa harap ng salamin. Wag ka. Baka mabasag yan." sagot niya. Hahahahaha, joker. 

"Sa gwapo kong 'to, mababasag yang salamin niyo? Di rin!" sagot ko at inayos pa ang hair strand na nakaangat, "Kayong mga babae ang vain. Isang pimple, kung maka-react parang masisira kinabukasan niyo." 

"Hoy excuse me! Di ako ganun noh." sabi niya, "ang sabihin mo, badi--" 

"Ha? Anong sabi mo?" I cut her off, tapos lumapit yung mukha ko sa kanya. Nagulat siya, syempre! Hahaha. Pero hindi ko naman talaga hahalikan si Kath. Unang una, kaibigan ko 'yan. Pangalawa, anak siya ng bestfriend ni mama. Baka tagain ako ni mama kung gawin ko 'yun. 

Pangatlo, nirerespeto ko siya. 

"---eeeeeh! Ang sabi ko, ang tunay na lalake, VAIN!" sagot niya habang taranta. Hahahahahaha! Ang cute niyang mataranta. 

Pumunta na kaming sala para manuod na. 

Nagtatapang-tapangan si Kath. Hahahaha! May unan siyang yakap na sobrang higpit, makikita mo naman sa isang tao eh. Hahahaha! Horror yung pinapanood namin pero natatawa ako. Irony. :)) 

Nahalata siguro niya na nakatingin ako, kaya bigla niyang binaba yung unan at hindi na niyakap. Biglang naging mataray yung mukha niya at nagsabi, 

"Deej! Timpla mo ako ng iced tea!" 

"Ayoko nga! Eto na yung magandang part sa movie oh!" sagot ko. 

"Eh ano pang silbi ng 'Pause'? Dali na!" 

She's more than perfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon