SMTP 1

1.4K 17 1
                                    

"Aray!" napasigaw na lang ako nung naramdaman kong may nakabangga sakin. 

 "Sorry po! Nagmamadali lang talaga. Sorry po ulit!" tapos tumakbo na palayo yung babae.

Napayuko ako. Nakakita ako ng isang bracelet. Siguro, nahulog to nung babae kanina. Kukunin ko sana kaso nagulat ako nung tinawag ako ng mga kabarkada ko. 

"Yooooo! Bro!!!" sabi ni Katsumi. 

"Oy! Andyan na pala kayo!" sagot ko naman. 

"Oo! Kaya tara na bago pa tayo ma-late. 7:08 na, 7:10 am ang klase natin. Malalagot na naman tayo kay Ser." sabi ni JC na madaling madali sa pagsasalita.

"Sige mga 'tol, mauna na kayo. CR muna ako." sagot ko naman. 

Sa totoo lang, di talaga ako nag CR. Hinintay ko bago mawala ang mga tao sa corridor bago ko kinuha yung bracelet. KC ang nakasulat na initials. 

Pero teka, pano ko maisosoli sa kanya to kung hindi ko naman nakita ang mukha niya?

Aish. Bahala na.

Tumakbo ako papunta ng classroom at pumasok. Oo, tama sila Katsumi sa sinabi nila kanina. Late na naman ako. 

..may bago pa ba? 

Siguro oo, kasi ngayon, na late ako dahil may ginawa ako. Hindi dahil na-late ako ng gising. 

"Mr. Padilla, you're late again!" ayan na naman si Sir Evangelista. Alam ko na sunod na sasabihin nito eh. Araw araw na lang. Mas nagger pa to sa nanay ko eh

 "I'm sorry PO, okay?" hindi na lang niya ako pinansin. Buti naman. 

Dumeretso ako sa upuan ko sa likod. Hindi ko alam kung co-incidence ba to o sinadya lang ni Evangelista dahil enemy number 1 niya ako. Malayo yung upuan ko sa tropa ko. Tinotorture talaga ko nitong Evangelistang to. 

Dumukdok ako sa desk ko. Tulog o hindi, wala naman akong matututunan sa subject niya. 

"Sir, sorry I'm late!" napataas yung ulo ko mula sa pagkakadukdok. Good luck na lang sa kung sino mang late na yun. Galit pa naman yang si ser sa mga latecomers. 

"It's okay," Oyyyyy! Bakit ganyan siya sa iba? Unfair ampu..  "you're the new student, right?"

Ah okay. New student naman pala kaya ganon. 

"Yessir." 

"Oh. Right. You may now take your seat." humanap naman ng mauupuan ang babae at ang nahanap niya ay yung nasa tabi ko. Paupo na sana siya ng biglang.. 

"Miss, what's your name?"

"Kathryn Charmaine Bernardo, sir." 

Pinagpatuloy ni ser yung mga tinuturo niya. Sunod na alam ko, niyuyugyog ako nung babaeng katabi ko. 

"Yes?" sabi ko sabay ngumiti, wala, pang-asar lang. 

"Uhm, hindi mo ba narinig? Sabi ni sir kung sino daw ang katabi mo, siya na daw ang partner mo sa Investigatory Project. Eh, wala naman akong ibang katabi kundi ikaw. "

"Aish. Bakit pa kasi kailangan ng mga ganyang project eh," sabi ko naman. "Ay oo nga pala, pano ka? Inexplain ba niya kung paano yang investigatory project? 2 months na kasi kaming nagkaklase at alam ko na kung paano yan. Ikaw?"

"Oo, in-explain sakin yan nung nag-enroll ako. " sagot naman niya, "so pano yan?"

"Anong 'pano yan'?" tanong ko. 

"Sige, ganito na lang. Pag usapan na lang natin kung ano ang gagawin natin diyan sa project na yan bukas." 

"Bahala ka." sabi ko. 

"Mmm, sige. Ano na nga pangalan mo?" 

"Daniel. Tska mo na ako tawaging DJ kapag close na tayo." 

Tapos nag bell na.

Ako si Daniel Joseph Padilla. 16 years old. 4th year high school. Hindi ako badboy. Hindi ako good boy. Sakto lang.  Happy-go lucky. Isang tipikal na lalake. Ang kaibahan lang, hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Wala pa sa isip ko yang mga yan. Gusto kong i-enjoy ang buhay ko at ayokong matali sa isang commitment. 

"Hmmm, sige. Daniel, pag usapan natin to tomorrow. 5 PM after class. Wag ka sanang mawawala, ha." sabi niya, nakangiti pa. 

5 PM? After class? BUKAS? Psh, eh may lakad pa ako eh. Hindi pa nga kami magkaibigan ng babaeng to, may mga ganyan na kaagad? Paano kaya ang asal nila kapag may commitment na? 

Napag-isip isip ko..

Ayoko talaga ng commitment.

She's more than perfectWhere stories live. Discover now