Chapter 1: "I dare you to kiss a stranger."

30K 418 53
                                    

Chapter 1

 


(George's POV)

"George, pumunta ka ng maaga sa Sabado sa game ha? Para maasikaso natin yung mga lalaking 'to. Mga pasaway talaga!" sabi ni Coach sakin habang nagliligpit ako ng mga bolang ginamit kanina sa practice ng basketball team ng school namin.

"Aye aye, Coach!" tapos sumaludo pa ko sa kanya.

Haaay. Ang hirap talaga maging assistant coach slash manager ng basketball team! Dami pang pasaway na players >_________< Kung bakit kasi walang basketball team para sa mga babae eh. Tapos JS Prom pa namin kinabukasan kaya sabog lang yung mga bisugong 'to. Panigurado ang nasa isip nila ay kung gaano kaganda yung mga date nila bukas =_____=

Opo, babae ako XD Pero George ang pangalan ko. Sabi nung iba, masyado daw panlalaki pero bakit ba sila? Cool kaya 8) Tsaka, Georgina Abigail Mendoza ang buo kong pangalan. Yuck, Georgina. -__-

Pagtapos ko ligpitin yung mga bola, naglakad na ko papunta sa locker's area dito sa may court para kunin yung mga gamit ko. Haay. Ginabi na naman kasi kami sa practice eh. > o <

"---ako?! May gusto kay Manager? Baliw ka ba? E tomboy yun eh!" Huh? Ako ba pinag-uusapan ng mga lalaking 'to?

"Oo nga! Tignan mo nga, mas astig pa sa'tin?"

 =_______=

"Magiging under ka dun! Daig pa nun amazona eh!" 

-______-

"Tsaka, yung ayos, parang hindi babae!" 

+__________+

"HOOOOOY!" Tapos sabay pasok ko sa locker area. "Kayo talagang mga bisugo kayo! Tantanan niyo nga ako ah!" At pinagpapalo ko sila isa isa sa ulo gamit yung sumbrero ko. "Kayo talaga!" 

"Hahaha. 'To namang si Manager." sabi nung isang player sabay akbay sakin "Magpare tayo di ba?" 

"HEH! Umayos ayos nga kayo!" Tapos siniko ko yung nakaakbay sakin kaya napa-'ow' naman siya. 

"Hahaha. Peace Manager!" tapos nag-peace sign pa sila sakin. Close naman talaga kami ng mga mokong na 'to. Kaso nga lang minsan may pagka-siraulo =____=

"O sige na! Magsiuwian na kayo! Wag kayong mambababae ha! Prom bukas at sa Sabado ang game natin!" 

"Yes manager!" Tapos nagtakbuhan sila palabas ng locker area bitbit yung mga bag nila. Mga isip bata -___-

"Ey, Gigi! Init na naman ng ulo mo." Naiwan pa pala 'tong mokong na 'to. =____= Si Andrew, kababata ko.

"Isa ka pa! Wag mo nga akong tawaging Gigi!"

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon