Chapter 27: "You'll regret it."

6.4K 181 20
                                    

Chapter 27 

Everything was perfect. Kyle and I were on my balcony. Tinutugtog niya yung gitara niya. Nakahiga ako sa tabi niya. Kinukwentuhan ko siya at tinatawanan niya lahat ng sinasabi ko.

 "Tapos inaasar niya ko kasi para daw akong lalaki. So syempre, kahit hindi ko naman gets yung sinasabi niya noon, ramdam kong inaasar niya ko. Kaya ayun, sinabunutan ko siya. Umiyak siya at pinatawag ako sa principal's office. Galit na galit yung mama nung kaklase kong lalaki habang nagpipigil naman ng tawa si Papa. Pag-uwi ko sa bahay, tuwang tuwa yung mga kumag kong mga kuya." 

Tumawa si Kyle. "Ang bully mo pala nung elementary. Pati lalaki, takot sa'yo."

"Eh inaway niya kaya ako! Nauna siya! Syempre, pinagtanggol ko lang yung sarili ko no. Alangan namang paapi na langa ko basta?" 

"Grabe. Natatakot na tuloy ako sa'yo. Promise, papaka-good boy na ko." Pabirong sabi ni Kyle.

Pabiro ko rin siyang inirapan tapos ngumisi ako. "Asus. Kelan ka ba hindi naging good boy?" 

Kinurot ni Kyle yung ilong ko kaya pinisil ko yung magkabilang pisngi niya. Tumawa siya at binitiwan yung ilong ko. 

"This is perfect. Sana ganito na lang tayo palagi, George." Kyle smiled at me. I held his hand. Yes, this is perfect. Ayoko nang matapos yung gabing 'to. Sana ganito na lang kami palagi.

Sana...

Dumilat ako. Ilang segundo akong tumitig sa puting kisame ng kwarto ko bago ako bumuntong hininga at bumangon.

Good dreams suck. Kasi pagkagising mo? Kailangan mong harapin yung mapait na katotohanan. Parang pinaasa ka lang nung linshak na magandang panaginip mo. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa isip ko yung panaginip ko. Ang saya namin ni Kyle doon. Okay na yung lahat. Okay na kami. Sana baliktad na lang. Sana yun na lang yung totoo at eto na lang yung panaginip. Sana hindi ganito.

* * *

"George!" Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko yung boses niya. Muntik pa kong madulas sa maputik na part nung dinadaanan ko. Nagulat ako na kinakausap niya ko ngayon. Hindi ba siya galit sa'kin?

Nasaktan ko siya hindi ba? Kung ganon, anong ginagawa niya ngayon?

Ano bang ginagawa mo, Kyle?

"Hi." Hinihingal pa siya nung huminto siya sa tabi ko, mukhang galing siya sa pagtakbo. Ngumiti siya sa'kin.

Anong nangyayari? Dapat galit sa'kin ngayon si Kyle. Ako nga nagagalit sa sarili ko eh.

"Pwedeng makisilong sa payong mo?" Hindi pa man ako sumasagot, kinuha na niya yung payong mula sa'kin at pinayungan niya kaming dalawa. Ang lapit lapit niya sa'kin ngayon. Lalo ko tuloy narerealize kung gano ko namimiss si Kyle.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon