Chapter 22: "Is there a problem?"

8K 210 21
                                    

Chapter 22 

(George's POV)

"Bakit hindi ka nagpark?" Tanong ko kay Kyle nung huminto siya sa tapat ng bahay namin imbes na dumiretso sa apartment niya at magpark doon.

Ngumiti siya sa'kin ng konti. "Doon ako sa bahay matutulog ngayong gabi."

"Ha? Bakit?" Tumingin siya sa'kin. UUGH. Bakit ka ba nagtatanong, George? At bakit ganyan yung tono ng boses mo? Kaibigan ka lang, di ba? Hindi ka dapat nagtatanong ng dahilan kung bakit niya gustong umuwi dun sa kabila niyang bahay na malayo sa bahay mo. At mas lalong hindi dapat nanghihinayang yung tono ng boses mo habang tinatanong yun. Because dude, you're friends!! Friends, okay? FRIENDS!

Nagkibit balikat lang si Kyle.

"Um, okay. See you tomorrow." Lumabas ako ng kotse niya at papasok na sana ako sa bahay pero nung lumingon ako, nakatitig sa'kin si Kyle.

LESHE YUNG TITIG MO KUYA!! Nakakatunaw! 

Ngumiti siya sa'kin bago siya nagdrive palayo. Naiwan akong nakatitig sa kanya habang pinapanood siyang lumayo.

Goodness, malala na ata ako. Pinapanood ko pa lang siyang magdrive palayo, nalulungkot na ko.

My relationship with Andrew before all the shitty things he did was never like this. Nung kami ni Andrew, it was simple. It was okay. It was comfortable and... okay. Oo, puro okay lang yung naiisip ko.

It's weird because everything with Kyle was more than that. More intense, more confusing, more wonderful... more everything. At utang na loob, magkaibigan lang po kami sa lagay na 'yan. Para bang 'yung buong relationship ko kay Andrew noon ay mababaw. Mababaw lang yung feelings, mababaw lang yung love, mababaw lang yung buong relasyon namin. I loved him but it wasn't the head over heels type of love.

Bago ako matulog nung gabing 'yun, umupo ako sa balcony ng kwarto ko at tumitig sa kwarto ni Kyle.

Para bang mas malungkot yung buong gabi dahil wala siya sa kabilang bahay lang. 

Oh God, I'm in big trouble. 

I've never missed a person like this. Nobody's ever made me feel this way.

Now that I know that Kyle's miles away... that he wouldn't be able to read my thoughts when he look at me in the eyes, kaya ko nang aminin sa sarili ko.

I think I might be falling in love with Kyle. At kahit ano pang gawin ko, hindi ko na yata kayang pigilan 'to.

* * *

(Kyle's POV)

Pinanood ko siyang sa rearview mirror nung sasakyan ko habang pinapanood niya yung paglayo ko.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon