Chapter 2: "Susuko ka na?"

20K 288 24
                                    

Chapter 2

(George's POV)

Matagal kaming nagkatinginan ni Kuya Gitara---o Kyle na lang. Pareho kaming natulala sa ginawa ko.

Waaaah. Anong gagawin ko? Anong gagawin niya? Ano na?! <'O___O'>

Bakit ko ba naman kasi pinatulan si Jessa eh >______<!

"Uhm---" magsisimula na sana akong magpaliwanag at magsorry kaso may chuserong biglang nanghatak sakin.

"A-Andrew?"

 

"Shit." sabi niya nung medyo malayo na kami. Binitawan niya ko tapos tumalikod siya sakin at ginulo yung buhok niya. "The hell! Ano bang iniisip mo ha, George? Baliw ka na ba?! Bakit mo pinatulan si Jessa?!"

 

"Eh kasi---" kaso napatigil ako kasi biglang pinunasan ni Andrew yung labi ko gamit yung panyo niya. Ano bang sumasapi dito? "Aray naman! Mapupudpod yung labi ko sa'yo eh!" Tinulak ko yung kamay ni Andrew at tinignan siya ng masama.

Okay. Inaamin ko. Isang kabaliwan at nagpadala ako dun sa babaeng yun at ginawa yung dare pero OA lang makareact tong si Andrew eh.

"Sana nga!" Sinamaan niya ko ng tingin bago naglakad palayo habang bumubulong ng 'asar' at 'kainis'

   

Anong nangyari dun?

Naguguluhan pa din ako pero naglakad na ko pabalik sa event hall kung saan ginaganap yung prom namin. Nakasalubong ko si Tanya na nagpapacute dun sa mga lalaki galing school ni Kuya Cedric.

"Huy Tanya!" 

"Ayy! George! Anditech ka na pala!" Lumapit siya sakin tapos tinulak ako ng konti. "Kakalurkey ateng! Ano namang ginawa mo kay Papa Andrew at nakabusangot ever yung feslak pagdaan ditech kanina?"

"Wala akong ginagawa ah. Ewan ko nga kung anong problema dun at parang galit na galit. May topak ata."

Ikinagulat ko ng biglang tumawa ng malakas si Tanya. As in halakhak. Ano, pati ito may topak din? "Naku naku, sistar! Manhid manhidan lang ang peg?" Napa-huh ako sa sinabi niya. Wala kaya akong maintindihan >__> "Ay naku! Gumora na tayo sa loob at magsisimula yung proooom."  

Hinatak ako ni Tanya sa loob, pag-upo namin sa table dinedma ko na lang yung shokoy na si Jason at yung nakasimangot niyang girlfriend at umupo sa tabi ni Andrew.

"Huy Drew. Ano bang problema mo?"

Tinignan niya ko ng masama tapos nakapout siya. "Heh Gigi! Wag mo kong kausapin. Galit ako sa'yo."

 

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon