Chapter 41: "Choose me"

7.4K 199 20
                                    

Chapter 41 

(George's POV)

"Sasama ka sa'kin pabalik ng Maynila?" Gulat na tanong sa'kin ni Drew habang pinapanood akong mag-impake.

"Yup."

"Bakit? Tatakas ka kay Kyle?" 

Tumigil ako sa pagtitiklop ng mga damit at tumingin sa kanya. "Huh?"

"George, tatakas ka na naman sa kanya? Hindi pwedeng lagi ka na lang tumatakas!" 

Gulat akong tumitig kay Drew bago tumawa. "What are you talking about?"

"Ni hindi pa nga tapos yung internship mo sa hotel na 'to! Hindi pwedeng pati yun takasan mo---"

"Drew. Tumigil ka nga diyan." Binato ko siya ng maliit na unan. "Sasama ako pabalik sa'yo sa Maynila because I still have classes remember? Kailangan ko pang imeet yung adviser ko for my thesis. And then, babalik ako dito after two days.  Ano bang sinasabi mo diyan?"

"Babalik ka pa dito?"

"Yup."

"Hindi ka tumatakas kay Kyle?"

"No. And it's not like I have a choice on that matter. Katulad nga ng sinabi mo, kailangan ko pang tapusin yung internship ko dito."

"Oh." Sabi ni Drew at umupo na ulit. 

"Yeah, ang OA mo kasi. Di mo ba napansin na may mga iniwan akong damit sa closet?"

"Huh. Oo nga no?" Ngumisi ako kay Drew bago bumalik sa paglalagay ng damit sa bag ko.

"Ready na ko!" Sigaw ni Lyra pagkalabas niya ng banyo. "Let's go?" Sinarado ko yung bag ko at tumango. "Kailan yung date namin ni Nathan?" 

Napatawa ako sa tanong ni Lyra. "Bukas."

"Oooh! Excited na ko! The best ka talaga, George. Hindi ako makapaniwalang may date kami ni Nathan!" Masayang sabi ni Lyra. "Magpapaalam lang ako dun sa mga taga-FO. Una na ko sa lobby ah!" 

Nanlalaki yung mga mata ni Drew nung tumingin siya sa'kin. "Nathan? Si Tanya? May date sila nung roommate mo? HA?" 

I smiled mischievously at him. "Magcheck out ka na sa baba. Susunod na lang ako."

"Alam ba niyang hindi sila talo ni Tany---"

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon