Chapter 14: "We're breaking his heart."

9.5K 237 31
                                    

Chapter 14 

(George's POV) 

Sabi ni Kyle, magiging okay ako. At naging okay nga ako pero hanggang sa tumapak lang ako building ng BA. Binati ko 'yung blocmates ko na nakita kong nakatayo sa may entrance at binati nila ako pabalik pero pagkatalikod ko, agad naman nila akong pinabulungan. Buong araw ganun, ang dami kong naririnig tungkol sa'kin

"Siya 'yun, di ba? Yung sinampal ni Trixie kasi nilalandi daw si Andrew?"

"Oo. Habol daw siya ng habol kay Andrew."

"Ang desperada naman. Hindi mapakawalan 'yung ex niya." 

"Ang landi kamo." 

Iba-ibang version na rin nung istorya 'yung kumalat. Pinakafavorite ko? 'Yung nagpunta daw ako sa bahay nina Andrew na nakalingerie at lumuhod sa harap niya para magmakaawa na balikan ako.

Seryoso? Mukha ba kong nagsusuot ng lingerie? Nakakasuka ah. Syempre, pinuntahan ko 'yung narinig kong nag-uusap nun (na ni hindi ko nga kilala kung sino), nginitian ng matamis at sinabing, "Gusto niyo bang masapak?" Sayang lang umalis agad sila.

Hindi pa nakatulong na ngayong araw magkaklase kami ni Andrew sa isa naming subject at may benda yung ilong niya. Syempre, nagkagulo yung classmates namin sa pagtatanong kung anong nangyari. As if naman may paki talaga sila eh mas exciting para sa kanila 'yung mga gawa-gawang kwento. Tapos sa kalagitnaan ng klase, nagtext pa sa'kin si Andrew.

Mag-usap tayo, please? Hindi ako galit sa pagsuntok mo sa'kin. 

Gusto kong tumawa ng malakas sa tinext niya. Nakakaloko. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase namin, umalis na agad ako sa room bago ko pa masapak ulit si Andrew. Ang kaso, si Trixie naman yung nakasalubong ko.

"Trixie, kailangan kitang makausap."

"I don't want to talk to you." Maarte niyang sabi sa'kin bago naglakad palayo. Hinatak ko 'yung braso niya para pigilan siya. Nakikita ko na 'yung ibang pinapanood kami. Kaya hinatak ko siya sa isang room na walang laman.

"Look. This is so stupid. Alam ko kung pano binlackmail si Andrew noon para maging boyfriend mo. Sa'ting dalawa, ikaw yung malandi. Kaya hindi ko alam kung bakit ako yung pinagchichismisan ngayon." 

Tumingin sa'kin si Trixie at sinamaan ako ng tingin. "Did you like the stories na ginawa ko? I think I can be a writer. My personal favorite is the one with the lingerie because it makes you more desperate." 

"Ano?" 

"Because I don't understand it. Bakit ikaw pa rin 'yung hinahabol habol ni Andrew kahit nandito naman ako. I'm prettier than you. I'm better than you. But he can't give me a chance kasi laging ikaw. I don't even know what he sees in you! I love him.  Pero nagawan pa rin niya ng paraan para bumalik sa'yo. You think I don't know what really happened? Na siya yung nagmakaawa para balikan mo? I'm not stupid. Alam kong ikaw pa rin yung hinahabol niya pero natatakot lang siya sa pwedeng gawin ng daddy ko pag hiniwalayan niya ko. Good thing he loves his dream more than both of us, right?" Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa mata ni Trixie. Unang beses siyang nagpakita ng kahinaan sa'kin. At doon ko narealize na nasasaktan kami pareho dahil sa isang lalaki. 

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon