Chapter 6: "Bunch of heartbroken people"

11.7K 183 17
                                    

Chapter 6 

Tahimik lang kaming dalawa ni Kyle buong byahe pauwi. Tumigil na ko sa pag-iyak pero natatakot akong baka namumugto yung mga mata ko. Ayokong makita ni Papa at ng mga Kuya ko. Hindi pa ko handang sabihin sa kanila. Panigurado, magagalit yung mga 'yun.

Nung makapagpark na siya sa harap ng bahay niya, lumabas na ko pagkatapos ng isang mabilis na "Thank you." Tumango lang siya at pumasok sa sarili niyang bahay. 

Nakarinig ako ng malakas na, "SURPRISE!" mula sa loob ng bahay ni Kyle. Mukhang nandoon yung mga kaibigan niya. 

Pumasok na ko sa bahay namin at laking pasasalamat ko nung makitang wala yung mga kuya ko sa sala. Si Papa lang yun nandoon, na natutulog sa sofa. Kinumutan ko na lang siya bago ako umakyat sa kwarto ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Pano nagawa sa'kin ni Drew 'yun? 

Kaibigan ko siya noon pa... at naniniwala akong minahal niya ko ng totoo. After all, napansin niya ko at nagustuhan niya ko kahit nung mga panahong malalaking tshirt at baggy shorts ang suot ko. Sabi nga nung mga tao sa'kin nung highschool, mukha akong tomboy.

Hindi. May explanation siguro si Drew, hindi ba? Baka namisinterpret lang ni Kyle yung mga ginagawa niya. Baka yung babae lang yung naghahabol sa kanya. Baka yung babae yung humalik sa kanya kanina, after all mukhang gulat na gulat si Drew noon.

Unti-unti akong bumigay sa pagod at antok habang pinapaniwala ko yung sarili ko sa mga bagay na 'yun.

* * *

"Gigi! Buksan mo yung pintuan please. Kailangan nating mag-usap. Let me explain, please." Nagising ako sa mga katok at nagmamakaawang boses ni Andrew. Not a good way to wake up.

Tumayo at naghilamos at nagtoothbrush sa banyo ko. All the while, hinihiling ko na paglabas ko, wala na sa labas ng kwarto ko si Andrew. Ayoko pa siyang makausap. Hindi pa ako ready na harapin siya.

Pero syempre, paglabas ko nandun pa rin siya.

"Gigi... sige na naman oh..." Nabasag yung boses niya. HIndi ko alam kung bakit pero umiiyak ata siya.

Seriously? Siya pa yung may ganang umiyak ngayon? Ako ba ang nanakit? Ako ba yung nanloko? Hindi ba siya?

"Georgina, ano 'to?" Narinig kong tanong ni Kuya Cedric mula sa labas rin ng kwarto ko. Nagpanic ako bigla doon. Kahit gano ako sinaktan ni Drew, ayoko siyang mabubog ng mga kuya ko pag nalaman nila yung nangyari.

Kaya binuksan ko agad yung pinto at tama nga yung hula ko, namumula yung mga mata ni Drew. "Gigi..." 

Tumingin sa'kin si Kuya Cedric. "Anong meron? May ginawa ba yung lokong 'to sa'yo?" Nakakunot yung noo niya.

Umiling ako. "Wala, kuya. Konting away lang. Sige, mag-uusap muna kami." Hinatak ko agad si Andrew palabas ng bahay. Huminto lang ako nung makarating kami sa bakanteng covered court. Umupo kami sa bleachers. Ironic, basketball. For the second time, may naloko sa'king lalaki dahil sa basketball. Wow ha.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon