Day 30

0 0 0
                                    

Theme: Kapre
Form: Villanelle

Malalaking puno ang tahanan,
Sa gabi'y pinagmamasdan ang paligid,
Paghithit ng tabako ang isa niyang libangan.

Bahag ang tanging kasuotan,
Kilabot ang hatid,
Malalaking puno ang tahanan.

Nakatatakot ang kaanyuan,
Marahil ay maitim maging kanyang gilagid,
Paghithit ng tabako ang isa niyang libangan.

Sinasabing nanunuyo ng dalagang napupusuan,
Hindi alintana ang ano mang balakid,
Malalaking puno ang tahanan.

Minsa'y naghahanap ng taong mapagkakatuwaan,
Paglalaruan nang 'di nito nababatid,
Paghithit ng tabako ang isa niyang libangan.

S'werte naman daw kung iyong magiging kaibigan,
Tutulungan ka na parang kapatid.
Malalaking puno ang tahanan,
Paghithit ng tabako ang isa niyang libangan.

#NovembRite2019
#NovembRiteDay30
#NovembRiteSmoochera

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#NovembRite2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon