Day 2

1 0 0
                                    

Prompt: Katakawan
Form: Soneto

Hindi naman nagugutom pero sabik sa pagkain
Pasmadong bibig, walang tigil sa pagngata.
Lalantakan kahit hindi inihain,
Walang hinto, hindi nagsasawa.
Kalusugan man ay namemeligro,
Mas mahalagang paborito'y malantakan.
Walang diyeta o ehersisyo,
Inuunang itawid ang katakawan.
Atensiyon ay sa pagkain lang nakatutok,
Kahit sa amoy lang ay naglalaway.
Siguro'y ngangasabin kahit na bulok,
Wala sa bokabularyo ang salitang "pagkaumay".
Sana'y isiping mahalaga ang pagiging malusog,
Kaya't 'wag kumain nang kumain kahit na busog.

#NovembRite2019
#NovembRiteDay2
#NovembRiteSmoochera

#NovembRite2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon