Day 4

0 0 0
                                    

Prompt: Kahalayan
Form: Tradisyunal na Tula

Ilang taon ang iginugol sa paaralan,
Sa seminaryo'y nadagdagan ang karanasan.
Ipinangako'y kalinisan at katapatan,
Pagsisilbi sa D'yos ang magiging kasiyahan.

Iginalang, kinatuwaan, at hinangaan,
Bawat salita'y lubos na pinaniwalaan.
Pinag-alayan ng pag-aaring kayamanan,
Kapalit nitong dasal na sana ay pakinggan.

Ngunit katauha'y napuno ng kadiliman,
Nakalimutan ang tungkulin na sinumpaan.
Naakit sa mala-demonyong tawag ng laman,
Inosenteng nilalang ang napagdiskitahan.

Nalulunod sa putik nang 'di namamalayan,
Pag-iinit ng katawan ay 'di malabanan.
Paulit-ulit nagtampisaw sa kasalanan,
Ang dating malinis ay naging makasalanan.

#NovembRite2019
#NovembRiteDay4
#NovembRiteSmoochera

#NovembRite2019Where stories live. Discover now