Day 18 (Challenge Prompt)

0 0 0
                                    

CHALLENGE PROMPT: Write a narrative poem detailing a specific childhood memory.

Pitong taon yata ako nang mangyari ito,
Sa probinsiya ng Samar, sa Rehiyon Otso.
Naiwan ako roon habang si Mama sa Manila'y nagtatrabaho,
'Di niya alam, minsan sa bahay ay mistulang impyerno.

Minsang lasing ang aking tito,
Nataranta ang lahat para itago ako.
Iginiya ako ni tita sa loob ng k'warto,
Ang bulong niya'y, "Magyakap lang tayo.".

Nagkaroon ng kumosyon sa labas,
Ang iyak ni lola'y biglang lumakas.
Pintuang rattan ay pabalyang bumukas,
Pumasok si titong may hawak na armas.

Amoy alak at naglilisik ang mga mata,
Ako talaga ang kanyang puntirya.
Hinawi niyang paalis si tita,
Saka itinaas ang hawak niyang lanseta.

Naalala kong ako'y takot na takot,
Nagsusumiksik sa sulok sa pag-asang 'di niya ako maaabot.
Hindi makaisip ng paraan kung paano makakalusot,
Hindi maintindihan kung bakit sa akin siya'y may poot.

Ako'y napapikit nang muling siyang bumuwelo,
Tingin ko talaga'y sasaksakin ako.
Subalit walang bumaon sa aking kutsilyo,
Dahil nahawakan siya ng aking lolo at ako'y nakatakbo.

#NovembRite2019
#NovembRiteDay18
#NovembRiteSmoochera

#NovembRite2019Where stories live. Discover now