Day 5

0 0 0
                                    

Theme: Kahambugan
Form: Free Verse

Paano kung ika'y nahulog sa hagdan at biglang namatay?
Kaluluwa mo'y sa purgatoryo tinangay.
Sa hatol ika'y bagot na naghintay,
Hanggang sa makaharap ang lalaking tangan ay manok.

Anito'y makakaakyat ka sana sa langit,
Kahit na palagi mong ipinamumukha sa iba ang iyong nakamit.
Kung 'di lang nalagpasan ng ere mo ang langit,
At kung 'di lang puno ng hangin ang ulo mong sa kaonting puna'y pumipitik.

Mistulang pelikula, ang napanood mo ang sarili,
Nakita mo nang malinaw kung paano mo sigawan ang mga magulang mong api.
Ni minsa'y hindi ka tumulong sa kapatid mong nangangailangan,
Inuuna mo pang kutyain ang kanyang kahirapan.

Pagsisisi ay wala sa'yo bokabularyo,
Walang paghingi ng tawad ang naggaling sa'yo.
Kaya naman isinarado sa harap mo ang daan paakyat,
Ihanda ang sarili sa paglangoy sa dagat na lumalagablab.

#NovembRite2019
#NovembRiteDay5
#NovembRiteSmoochera

#NovembRite2019Where stories live. Discover now