Day 6

0 0 0
                                    

Theme Prompt: Katamaran
From: Walang Sukat na May Tugma

Anong antas ng katamaran ang ipinagbabawal ng Diyos?
Kabilang ba ang katamarang mag-sign-of-the-cross?
O iyong pag-ayaw sa pagsimba
Dahil ang homily ni Father ay may halong pamumulitika.

E, 'yong ayaw makinig sa misa,
Subalit kapag tsismis, tagakuwento at bida.
Kahit pagdadasal ay kinatamaran na,
Pananalig sa Kanya ay unti-unting nawawala.

Kung tinatamad nang manampalataya,
Magagalit ba ang Diyos at ika'y itatatwa?
Ano't ano man ang maging resulta,
Hindi natin malalaman hangga't tayo'y buhay pa.

#NovembRite2019
#NovembRiteDay6
#NovembRiteSmoochera

#NovembRite2019Where stories live. Discover now