Day 21

0 0 0
                                    

Theme: Fire
Form: Walang sukat na may tugma

Ugaling mas mabilis pa sa kidlat kung magbago,
Minsan ay 'di maintindihan kung ano ang gusto.
Ngayon ay ayos ngunit mayamaya'y galit na sa'yo,
Magsisimulang magpakita ng sintomas nang pagkaburyo.

Ganyan ang kadalasang ugali ng mga taong ito,
Hindi mahuli, mahirap mapaamo.
Kailangang mag-ingat sa'yong pakikitungo,
Baka bigla ka na lang bugahan ng apoy at saka mapaso.

#NovembRite2019
#NovembRiteDay21
#NovembRiteSmoochera

#NovembRite2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon