Chapter 27

41.1K 407 32
                                    

Umiiyak pa din si Moira hanggang sa pagsakay niya ng bus papunta sa ate niya.  Para siyang kandilang nauupos dahil sa mga pinagdaanan niya ng araw na yun.  Una, nang malaman niya ang tungkol sa ate niya at kay Kristoff.  Matapos yun, nasaksihan naman niya ang karumaldumal na eksena sa opisina ni Ivo.  Inalis niya ang salamin niya dahil patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.  Sobra siyang nasaktan dahil tinraydor siya ng mga taong malalapit sa kanya.  Pero mas nasaktan siya sa ginawa ng asawa.  Dahil umasa siyang magbabago ito—pero hindi naman pala.  Pinatunayan nito na kung gaano ito kasama.  Doon niya napagtanto na mahirap mahalin ang taong hindi naniniwala sa pagmamahal—gaya ni Ivo.

Bakit hindi mo siya pinakinggan?  Di ba mahal mo siya?  Ginawa mo din ang ginawa ni Melissande sa kanya—iniwan mo siya.  Nakita mo ba ang lungkot sa mga mata niya?  Sinaktan mo siya.  Bakit mo tinagasan ang loob mo?  Bakit ka lalayo?  Ayaw mo  bang ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya?  Hindi ba sa mga libro mo, sinasabi mo na mas makapangyarihan ang love?  Why can't you be forgiving?  Are you going to give him up just like that? 

Yun ang mga binubulong sa kanya ng isip niya.  Kailangan niyang umalis dahil natatakot siyang magaya siya sa papa niya.  Nagmahal at ginawa ang lahat para sa taong mahal niya, pero hindi pa rin naging sapat.

Naalala niya ang sabi ng paborito niyang libro, love like you have never loved before.  Napailing lang siya at pinunasan ang luha niya.  She felt used and betrayed.  Pero, alam naman niya ang consequences kapag minahal niya ang taong katulad ni Ivo.  Nag-take siya ng risk at ano ang napala niya?  She ended up broken hearted like her father.  Alam niyang tama ang ginawa niya.  Umalis at magpakalayo gaya ng napagkasunduan nila noon ni Ivo.  Wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya.  Sana hindi na siya nakipagkasundo noon kay Ivo.  Namuhay na lamang siya mag-isa at tinapos ang manuscript niya.

Isang malaking pagkakamali ang pagpayag maging asawa ng isang savaged casanova.  Pinunasan niya ang mga luha niya.  Masakit na ang kanyang mga mata sa pagtangis.  Kinuha niya ang maliit na salamin sa bag niya at tinignan ang sarili.  Matindi ang pamamaga ng mga mata niya sa pag-iyak.  Sinabi ng kundoktor na kailangan nilang tumigil sandali dahil kailangang magbanyo ng driver.  Laking pasasalamat ni Moira dahil pwede na niyang ayusin ang sarili.  Ayaw niyang papulahin pa ang mga mata niya sa pag-iyak.  Malayo-layo pa ang biyahe.  Kailangan niyang kalmahin ang sarili bago niya harapin ang ate niya at si Kristoff.

...

He is the world's greatest buffoon.

A pompous madman is a better description for him.  He only realized that after finishing two bottles of bourbon that evening at his favorite bar.

Tama lang na nagalit si Moira sa kanya.  He hated himself for causing that horrendous scene ang horror in Moira's eyes.  Wala siyang karapatan masaktan dahil totoo ang mga sinabi ni Moira sa kanya.  The pain inflicted by that abominable encounter is irrevocable.  Kailangan na lang niya humingi ng tawad.  Kung kailangan niyang lumuhod, gagawin niya, patawarin lang siya ni Moira.

The Savage Casanova [Published under LIB] had been a mini series on TV5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon