Chapter 5

54.6K 530 37
                                    

Siya ay nasa magandang hardin. May mga pulat at kahel na santan, mga kulay rosas na gumamela  sa paligid.  Katabi naman nito ang mga makukulay na bulaklak ng kalachuchi at mga mahalimuyak na sampaguita.  Pumitas siya ng isang sampaguita upang samyuhin ngunit napukaw ang atensyon niya nang makita ang kanyang nobyo na nakatayo sa gitna ng arkong kahoy na napapaligiran ng mga bulaklak.  Nakasuot ito ng kulay abon amerikana at nakatalikod sa kanya.

“Kristoff!” Humarap ang nobyo niya ngunit hindi niya maaninag kung nakangiti ito sa kanya.  Nang malapit na siya dito, nalaman niyang hindi si Kristoff ang binatang nasa gitna ng kahoy na arko, ngunit ang lalaking nakabunggo niya noong isang araw.  Ang gwapong binata na pumulot ng salamin niya.  Nakangiti ito sa kanya at parang may sinasabi.

“Ano?”  Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki.  Lumpit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.   “Do you like the ring?”  Ngunit hindi pa din niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki.

“What ring?” Tanong niya sa lalaki.  Hinawakan ng lalaki ang kamay niya at ipinakita ang suot niyang singsing na napapaligiran ng mga diamante.  “You are my other half.  We are officially married now. Gusto niyang matunaw habang tinititigan siya ng lalaki.  Hinaplos nito ang kanyang noo at hinawakan ang kamay niya.  Naisip niya bigla si Kristoff at ang pangako niya sa nobyo…

As she opens her eyes, she then realizes that it was just a dream.  She is not standing infront of the handsome man and she is not in the garden.  She is in her room—in Maria’s Yposkafa.  Tinignan niya ang kamay niya at nakitang suot niya ang isang mamahaling singsing—na nakita niya sa kanyang panaginip.

“Sino…” Hindi niya alam kung sino ang nagsuot ng singsing na yun sa kamay niya.  Hindi niya rin alam kung ilang araw na siyang natutulog.  Umupo muna siya sa kama at pinakiramdaman ang sarili.  Wala na siyang lagnat at naibsan ng kaunti ang sakit sa kanyang likod.  Alam na rin niyang maayos na ang kanyang pakiramdam dahil ramdam na niya ang pagkalam ng kanyang sikmura.  Unti-unti siyang tumayo at napansin na may gumalaw ng gamit niya.  Bahagyang naiba ang posisyon ng notebook at ng salamin niya.  Alam niya ang posisyon ng kanyang mga gamit bago pa man siya matulog.  Napabuntong hininga siya dahil ayaw niyang pinakikielaman ang mga gamit niya. Kinuha niya ang pamalit na damit niya at pumasok sa maliit na banyo sa loob ng kwarto.

Matapos maghilamos at makapagpalit ng damit, lumabas na siya ng kwarto.  Sinuot muna niya ang salamin niya at nakitang kausap ng kanyang Thia Elena ang isang lalaki.  Matangkad din ito ngunit hindi kasingtangkad ng lalaking nakabunggo niya.  Gwapo din at matangos ang ilong, singkit at nangungusap ang mga mata.  Maaninag din ang mga dimples sa magkabilang pisngi nito.  He has a perfect set of white teeth that makes his smile more dazzling.

Nang mapansin ng lalaki ang pagtitig niya, napatingin ito sa kanya at parang namutla--na parang nakakita ng multo.  Lumingon naman sa kanya ang Thia Elena niya, “Moira…” Niyakap siya nito at huminga ng malalim.

“How are you feeling now?”

The Savage Casanova [Published under LIB] had been a mini series on TV5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon