Chapter 18

44.1K 415 90
                                    

"So what do you think?"  Tanong ni Moira kay Ivo habang binabasa nito ang sinulat niya.  Mula noong mag-umpisa ito magbasa, nakakunot na ang noo nito.  He also flinches and winces while reading her sensual chapter.  Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakasulat niya.  Pero that is all she has got. She firmly believes that a writer can write things that she hasn't experienced before.

"Hmm..."  Nakahawak si Ivo sa baba niya.  Iniisip niya ang plano niya.  Maayos ang pagkakasulat ng scene.  Walang pasubali magaling na writer ang asawa niya.  Nakaya nitong magsulat ng isang bagay na hindi pa niya nararanasan.  Pero hindi yun ang nasa plano niya.  He needs to mask his amazement in her writing.

"Ano sa tingin mo?  Okay lang ba?"  Hindi sigurado si Moira sa reaksyon ng asawa niya sa sinulat.  Was it is okay?  Passable or a reject? 

"May kulang ba?"  Pagod na tanong ni Moira sa asawa.  Binuhos niya ang buong galing niya sa pagsusulat, pero hindi pa din sapat para mapahanga si Ivo.  Why does she need to impress Ivo?  Eh ano naman kung hindi nito  magustuhan ang ginawa niya?  Ang mahalaga, magustuhan ng mga readers niya ang sinulat niya.  Pero bakit nalulungkot siya sa reaksyon ni Ivo?  Bakit gusto niyang mapahanga ang asawa niya sa ginawa niya?

"I think it is okay."

"But I could sense a 'but' after it."  Napabuntong hininga si Moira matapos magkomento sa reaksyon ni Ivo.

"Really, it is okay, but it can be improved." 

Tumaas ang kilay ni Moira. "Okay then, how can I improve it?"

Napatingin ulit sa screen si Ivo at biglang tinignan ang relo niya.  "Tonight—we will do it tonight."

"W-What?  Ano ang gagawin natin mamayang gabi?"  Nagtataka si Moira sa sinabi ng asawa.

"We will talk about improving your scene tonight."  Kalmadong sagot ni Ivo.

"We can do it in broad daylight.  Bakit kailangang gabi pa?"

"Because my mind is more active in the evening, tims.  Huwag mo sabihin natatakot ka?  Ano ba ang dapat mong ikatakot?" Seryosong tanong ni Ivo.

"Hindi ako natatakot," napabuntong hininga si Moira, "oh well, let's do it tonight."  She finally says in an exasperating tone.  Pagod nang mag-isip ang utak niya.  Kailangan niya muna magpahinga para hindi lutang ang isip niya gaya ngayon.

"Very good then.  Just take a good rest and be ready for me tonight, tims.  Your glasses are fogged again. " He says in a charming tone.  Naramdaman na naman ni Moira na namula ang mukha niya.  Forewarned is forearmed, sabi niya sa sarili niya.  She knows about his game and she will be glad to lead him on—but  she will be on guard.  Hindi maaring manalo ang asawa niya sa larong ito.  Tonight, she will be ready and will win with flying colors.

The Savage Casanova [Published under LIB] had been a mini series on TV5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon