Announcement to Readers

13.1K 71 51
                                    

Finally!

Magiging mini-series na rin ang The Savage Casanova.  Kasama siya sa batch 2 na pinili ng TV5 mula sa LIB publishing na gawing mini-series.

Dati, sabi ko, okay lang na makapagsulat ako sa wattpad.  Tapos noong maofferan ako na ipublish ang libro ko, laking tuwa ko.  I considered it cherry on top of the ice cream.  Ngayong magiging mini-series pa, parang may cashew nuts toppings pa at whip cream.  Ang saya-saya ko!

Pero sa mga manonoood, maaring magugulat kayo kasi maraming pagkakaiba sa story na binasa niyo mula una hanggang huli.  Maraming iniba ang scriptwriter.

Kasalanan ko rin na hindi kami nag-usap kasi bumaha ang buong Maynila noon at hindi ako nakapunta ng story conference.

Di bale ang lalabas, magiging inspired lang hindi talaga sinunod ang buong libro.

Una, mahal magshooting sa Greece.  Kulang ang budget para sa mini-series.

Pangalawa, maraming cast.  Hindi kayang bigyan ng spotlight lahat.  So ang ibang friends ni Ivo wala doon.  (Pavlo...donde esta?  Waaahhh....)

Pangatlo, kailangan nilang pagkasyahin ang buong kwento ng isang linggo.

Matagal akong nakaget over noong malaman ko ang mga pagkakaiba.  Pero, wala nang magagawa, andyan na.  Ang kunswelo na lang, gwapo ang gaganap na Ivo.  Noong makita ko siya sa personal, muntik nang lumipad ang panty ko palabas ng glorietta. XD

Mas gwapo si Edward Mendez kaysa kay Lee Min Ho.  And his abs is to die for--nakita ko sa pic at hindi sa personal.

Ayun, alam kong maghihimutok kayo lalo na at nabasa niyo ang buong story dito sa wattpad.  Dahil malaki ang pagkakaiba.

But still, naniniwala akong maganda pa rin ang story niya kaya't manood tayong lahat.

At huwag kalimutan ang isang box ng tissue, ha?

The Savage Casanova [Published under LIB] had been a mini series on TV5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon