Chapter 3

66.1K 615 141
                                    

Habang nasa sala sina Maria Andreas at ang mga bisita niya, nasa loob naman ng kwarto si Moira at nagdedeliryo.  Dalawang araw na siyang inaapoy ng lagnat at nagsusuka.  Hindi na malaman ni Elena ang gagawin.  Dinampian niya ng basang bimpo ang noo ni Moira.  Ipinikit niya ang mga mata niya at tahimik na nanalangin sa salitang Griyego.  Nagiging mababaw na ang paghinga nito at kung anu-ano ang sinasabi.

“I am here child…”  Bulong niya sa tainga ng batang lumuluha.

“Papa...b-bakit?”  Hindi nakakaintindi ng tagalog si Elena, pero alam niyang tinatawag ng bata ang ama niya.

“Ate….wag mo akong iwan...ayoko kay tita…”  Humihikbi ang bata habang nagsusumamo.  Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng bata.  Kailangan na niyang dalin sa ospital si Moira.  Paglabas niya ng kwarto, ipinakilala siya ni Maria sa may-ari ng Yposkafa kasama ang mga kaibigan nito.  Nalaman niyang Pilipino ang mga bisita ni Maria.

Giatí?”  Tinanong ni Maria kung bakit lumuluha si Elena.  Sinabi niyang malubha na ang sakit ni Moira at nagdedeliryo na ito.

“Ano ang sinasabi nila?”  Bulong ni Iñaki kay Pavlo.  Bago pa man sumagot si Pavlo, naunahan na siya ni Elena sa pagsasalita.

“My niece, Moira is… n-not in good c-condition.  I think she might go p-peacefully…tonight…”  Hindi masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil pautal-utal ito bunga na rin ng pag-iyak.

“What happened to her?”  Napatingin kay Ivo ang kanyang mga kaibigan dahil nahuhulaan na nila ang binabalak nito.

“She has been sick for two days-boiling with fever and has excruciating pains in her body.  Now she is calling her dead papa and--”Nagpatuloy ang pag-iyak ni Elena.  As Ivo consoles, he conceives his Sebastian solution plan.  Her niece could be the one.  She is from a different continent and dying… she is perfect!

“Can we see her?”  Napangisi si Iñaki at napailing naman si Pavlo.  Basang basa na nila ang binabalak ng kaibigan.

“W-Why?  Are you a doctor?” Nagtatakang tanong ni Elena.

“Yes.”  Mabilis na sagot ni Ivo.  Napaubo si Iñaki at tinatago naman ni Pavlo ang pag-ngisi niya.

“Really?”  Napatingin si Elena sa dalawang kasama ni Ivo at tumango lang sila.  Matapos kausapin si Maria, dinala niya ang tatlo magkakaibigan sa kwartong tinutuluyan ni Moira.

Tinignan ni Ivo ang paligid ng maliit na kwarto.  Mukhang komportable naman ito kahit may kaliitan.  Ang maliit na liwanag ay nanggaling sa bed side lamp.  Nakahiga sa kama ang pamangkin si Elena.  Napansin ni Ivo na iba kakaiba ang ganda ng babaing nasa kama.  She is petite and slender.  Her skin is fair and unblemished.  Her face is beautiful—straight nose, lips as red as a strawberry.

The Savage Casanova [Published under LIB] had been a mini series on TV5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon