Chapter Two

320 10 0
                                    

Basted

---

"Yen!"

Napalingon ako nang may biglang sumigaw ng pangalan ko.

Pagtingin ko, Jusko, si John Legend pala. Si John Legend — ang admirer kong lagi akong pinapadalhan ng mga baduy na love letters. John Legend ang tawag ko sa kanya dahil yun kasi ang pangalan na lagi niyang inilalagay sa dulo ng love letters niya. Ewan ko ba kung anong trip niya at John Legend ang inilalagay niyang pangalan sa love letter na ipinadadala niya sa akin. Hermes ang totoo niyang pangalan. Ang layo sa John Legend. Classmate ko siya nung grade school pa lang doon sa probinsya, ngayon schoolmate ko na lang siya dito sa lungsod na nilipatan namin. Ewan ko ba, stalker ko yata siya. Kahit saan ako magpunta, andoon siya. Nakakainis nga eh. Ngapala, tumae siya sa loob ng classroom noong grade one pa lang kami. Hanggang ngayon nga, pag nakikita ko siya, naiisip ko agad ang pupu sa pwet niya.

Tumakbo siya papunta sa akin. Pakiramdam ko nayugyog yung mundo dahil sa pagtakbo niya. Dambuhala kasi yung katawan niya. Di biro lang. Yung totoo, tabachoi siya. Hindi naman sa nanlalait ako pero walang gustong makipagkaibigan sa kanya sa sobrang takaw niya at sa lakas niyang lumamon. Jusko! Pag naging boyfriend ko siya, baka pati ako kainin niya. Joke lang!

"Yen..."

Heto na naman siya, tinatawag na naman ako sa pangalang yun. Sinabi ko na sa kanyang close friends ko lang ang pwedeng tumawag sa akin sa pangalang yun. Hindi naman kami close eh. Feeling close lang talaga siya.

Ang totoo nyan, matagal na siyang nagpaparamdam sa akin, kahit nung nasa first year high pa lang kami. Para siyang multo na nagpaparamdam... ng kanyang pagkakagusto sa akin, at syempre ako, natatakot. Ewan ko. Sinabi niya minsan, ako daw ang first love niya. Natuwa ako kasi may naiinlab pala sa akin pero hindi ko na matatanggap yung inaalok niyang pag-ibig kasi may nauna na dito sa puso ko. Wala ng espasyo para sa kanya. Kumbaga, no space for new borders na. Baka magka-cardiac arrest pa nga ako pag pinapasok ko siya dito sa puso ko sa sobrang laki niya. Hahaha. Ang sama ko talaga.

"May isasagot ka na ba sa lo---"

"Dideretsohin na kita, John Legend ah," bumuntong-hininga ako, pakiramdam ko makokonsensya ako sa sasabihin ko pero ayoko kasi ng sagabal sa buhay kaya ididispatcha ko na 'to. Isa pa pala, may Dean na ako kaya di ko na kailangan ng mga manliligaw. "Wala kang pag-asa sa akin. Wala akong planong sagutin ka at ang mga love letters mo, at mas lalong wala sa plano ko ang maging boyfriend ka. Sinasabi ko lang 'to sayo para hindi ka na umasa. Hope you'd understand." Akma na sana akong tatalikod sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Bakit? Meron na ba dyan sa puso mo?" Halos maiiyak niyang tanong.

Nakonsesya ako. Ang sakit ng sinabi ko kanina sa kanya, pero yun naman talaga ang dapat kong gawin.

"I'm sorry talaga. Sorry." Pinipilit kong alisin yung kamay niya sa braso ko.

Ayoko namang gawin sa kanya 'to, ayoko siyang masaktan kaso naiinis na ako eh. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa mukha niya na may Dean na ako. May Dean na ako! Kaso hindi pwede. Secret ko lang yun.

"Sabihin mo sa akin kung may iba ng laman 'yang puso mo?"

Pelikula ba 'tong nangyayari ngayon? Ang OA, ah. Ang OA! Tsaka, hello? Is the Earth round? Is the Sun hot? Kung pilosopohin ko na kaya 'to. Magmula pa kaya nung ipinanganak ako eh may laman na itong puso ko — viens, muscles, arteries and blood!

"Ang braso ko, pwedeng bitiwan mo na?" Malamig na sabi ko.

Nahalata niya siguro na hindi na ako natutuwa kaya binitiwan niya ang braso ko.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon