Chapter Fourteen

70 4 2
                                    

T-talaga Papa?!


~•~

"Ate Shiela, tulungan na po kita." sabi ko kay ate Shiela, kasambahay namin.

"Sige ba. Ikaw na magdala niyang donut para di ka masyadong mabigatan. Ako na ito."

Binuhat ni ate Shiela ang tray na pinaglalagyan ng mga baso at inumin at yung isa naman na may mga donut ay binuhat ko. Atsaka kami sabay na lumabas ng kitchen at nagdiretso sa sala. Agad namang napalingon saamin sina Dean at ang mga magulang ko. Nakaupo sila sa couch. Si Dean sa right side at sina mama at papa naman magkatabi sa left side. Napangiti naman ako ng ubod ng tamis nang magtama ang mga mata namin ni Dean. Ang gwapo ni Dean ngayon, sa totoo lang. Nakagrey collared shirt sya at nakajeans. Posturang-postura nga eh. Bat kaya biglaang napabisita ito dito?

Magkasabay naming inilapag ni ate Shiela ang mga dala namin sa mesa. Itong mata ko naman parang magnet kasi sadyain ko man o hindi, biglang napapatingin sa parang bakal namang mata ni Dean.

Nakatitig nga siya saakin eh habang inilalapag ko yung mga dala ko. Naging sanhi tuloy ito ng pagbilis ng pintig nitong puso ko at ng pag-init ng pisngi ko. Dahil pakiramdam ko namumula ako, sinadya kong harangan ng buhok ko yung mukha ko. Mamaya mapansin niyang namumula ako, nakakahiya yun.

Pagkatapos kong ilapag ang mga donut sa mesa eh ibinigay ko kay ate Shiela ang bakante ng tray atsaka siya bumalik na sa kitchen. Naiwan kaming apat dito.

Umusog si Dean atsaka siya nag-gesture na maupo na ako sa... tabi niya. Hihi.

Naupo nga ako sa tabi niya. Nasagi ko nga ng konti yung braso niya eh nang pag-upo ko ng ganyan. Nananyansing lang Ayen?

Nagsimula ang kwentuhan namin... este nila pala. Hindi ako nakikisali. Sila lang. Tahimik lang kasi ako dito eh. Kada mag-uusap itong tatlong to eh hindi talaga ako makarelate kahit anong relate pa ang gawin ko. Kaya nakikinig na lang ako sa kanila.

Pasimpleng painom-inom lang ako ng juice pero try nyong pasukin itong dibdib ko, diba magugulantang kayo kasi andaming daga dito. Tsaka yung tiyan ko rin parang garden sa dami ng paro-parong lilipad-lipad dito sa loob. Ganito ba talaga mainlove at pag kasama mo ang first boyfriend mo? Behave na behave ka outside pero naghaharlem shake ka na pala inside? Ganito ba talaga?

Walang ano-ano'y...

"Kami na po ni Ayen." biglang sabi ni Dean sa mga magulang ko.

Dahil sa sinabi niya, bigla kong naibuga ng konti ang juice na nasa bibig ko kaya natakpan ko ito ng mga kamay ko atsaka ako naubo. Anak ng teteng! Bat niya sinabi yun? Bakit? Ni hindi man lang niya ako kinunsulta kung sasabihin na ba namin kina mama't papa. Anong magiging reaksyon ng mga magulang ko nito? Dean naman eh!

Tapos bigla kong naramdaman ang isang kamay na hinahagod-hagod ang likod ko. Ubo parin kasi ako ng ubo eh. At kung kaninong kamay ito, walang iba kundi kay Dean! Concern na concern ngang tumitingin saakin eh.

"Dahan-dahan ka lang kasi, hindi ka naman mauubusan ng juice eh." concerned na sabi niya saakin.

Hindi naman dahil doon kaya ako nasamid eh, dahil sa sinabi niya. Bumaling ako kina mama't papa, nagkakatinginan lang silang dalawa tapos titingin na naman saamin. Naku naman talaga! Paano kung magalit sila eh ki bata bata pa namin pumapasok na kami sa mga rela-relasyon na ganito? Paano kung paghiwalayin kami ni Dean tapos pagbabawalan na kaming magkita. Ayokong mangyari yon. Mamamatay ako. Mamamatay talaga ako. Ayy, overs Ayen? Hindi naman siguro.

"Ma, Pa sorry po t-talaga kung hindi ko agad nasabi sa inyo. S-sorry po." nauutal kong nasabi dahil sa kaba. Nakakainis naman kasi itong si Dean eh. Naghahanap pa nga ako ng tamang tsempo tas pangungunahan na ako agad. Kung hindi ko lang talaga mahal tong mokong na to. Kung hindi lang talaga.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon