Chapter Thirteen

67 3 2
                                    

In A Relationship

~•~

Papasok na ako ng gate ng school ng... ng biglang sumulpot sa harap ko si Dean na ang lawak-lawak ng ngiti. Ito namang puso ko, as usual sumikdo na naman.

"Good Morning!" bati niya saka nagwink ng mata. Tapos agad siyang may kung anong kinuha sa likod niya atsaka tumambad sa mga mata ko ang...

natigilan ako at napatitig sa kanya na kasalukuyan ding nakatitig saakin. Para ngang may kung anong pumipiga dito sa tiyan ko eh. T-tsaka medyo nahihirapan akong huminga.

"R-rosas?" utal kong naitanong.

"Hamburger."

Tss. Pilosopo. Parang nagtatanong lang naman. Sorry naman Dean! Di lang makapaniwala. Yung lalaki kasing ang tagal-tagal ko ng mahal binibigyan na ako ng rosas ngayon. Parang panaginip lang diba? Pero I'm sure di naman ako nananaginip ngayon.

"Bakit?"

"M-manliligaw ako." medyo nahihiya niyang wika.

Gustong-gustong-gusto kong tumili ngayon, alam nyo ba yun? Ang bilis lang talaga ng kabog nitong puso ko. Feeling ko nga, anytime sasabog na to.

"M-manliligaw ka? B-bakit?"

Pagkatapos kong itanong ito, biglang nasira yung mukha niya. May mali ba sa nasabi ko? Parang wala naman aa. Tinatanong ko lang naman kung bakit siya manliligaw tapos biglang masisira ang mukha.

"Tinatanong pa ba yan, Ayen? Syempre dahil... mahal kita." parang inis niyang nasabi.

Huminto literally sa pag-ikot ang mundo ko. Lahat ng bagay parang tumigil ng sabihin niya ito. Yung puso ko nga huminto rin sa pagtibok eh. Gusto ko ngang sampalin ang sarili ko eh kasi baka panaginip lang talaga to.

"Liligawan kita kasi gusto kong iparamdam sayo na mahal kita... araw-araw kasi mahal kita araw-araw eh."

Jusko naman! Sasabog na yata talaga tong puso ko konting-konti na lang. Sasabog na talaga. Nung isang araw magtolbespren lang kami pero ngayon... anak ng kambing! Nililigawan na niya ako! Ang tagal-tagal ko ng pangarap na sabihin niya saakin to, yung sabihin saakin na mahal niya ako araw-araw. Kinikilig ako. Kinikilig talaga ako!

"Halika ka nga dito!" hinila ko siya bigla atsaka naghanap ng lugar na hindi matao.

Nasa gate kaya kami ng school at ang daming studyante ang nagdaraan na panay ang tingin sa amin at sa rosas na hawak ni Dean tapos biglang tititigan kami tsaka mangingiti na parang kinikilig na ewan. Ayoko namang magpasikat dito no. Gusto ko yung kaming dalawa lang ni Dean, yung pribado.

Nang makahanap ako ng perfect place na medyo walang tao ay tumayo ako agad sa harap niya atsaka siya tinitigan. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko eh. Hanggang ngayon kasi medyo hindi pa ako nakakaget-over dun sa pagtatapat niya kahapon at medyo nabibigla pa ako. Parang ang bilis lang kasi nitong mga pangyayari. Mga pangyayaring tila panaginip lang... na nagkatotoo.

"Ayaw mo bang ligawa--"

Nayakap ko siya bigla at di na niya natapos yung sasabihin niya sana. Ewan ba, wala naman sa isip ko yung yakapin siya pero yun yung ginawa ko, urge siguro ng katawan ko na yakapin siya. Paano ba naman kasi, kinikilig parin kaya ako ng todo-todo dito.

"Hindi mo na kelangan pang manligaw." atsaka ko inalis yung yakap ko sa kanya then tinignan siya ng diretso. "Mahal kita at mahal mo ako. Pareho nating mahal ang isa't isa kaya ba't pa natin patatagalin?"

Nang pagkasabi ko nito, biglang nagliwanag ang mukha niya at... ang mga mata niya, kung kita nyo lang, ang ningning. Parang ang saya-saya niya nga eh. Tapos unti-unti ng lumalabas yung dimples niya. Pakiramdam ko nga, matutunaw na ang puso ko.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon