Chapter Eight

67 8 1
                                    

Confession

~•~

Dean's Point of View

"Jessa!" tawag ko doon kay Jessa, pinakamalapit na kaibigan ni Ayen bukod sa akin.

Pagkarinig nya sa pagtawag ko, lumingon sya sakin at ngumiti ng matipid.

"Si Ayen, nakita mo?"

"Bat mo hinahanap?"

Bat to galit sakin? Nagtataray kasi ng sagutin ako.

"Importante lang sana... "

"Ah." sabay tango ng paulit ulit.

Ang tipid na nga nung ngiti, ang tipid pa nung sagot nya.

"Nakita mo sya?" pagtatanong ko ulit.

"Nasa library siguro, nag-aaral."

"Seryoso ka? Si Ayen, nag-aaral?"

Nagtataka lang ako. Imposible kasing mag-aral si Ayen. Nag-aaral lang yun pag pinagsasabihan ko o di kaya'y kapag iniinsulto ko ng pabiro. Imposible talagang mag-aral yun ng hindi pinagsasabihan.

"Oo naman! Bat parang hindi ka makapaniwala jan? Bawal bang mag-aral si Ayen?" pagtataray nya ulit.

"Hindi naman sa ganon....."

Naputol ang mga sasabihin ko pa sana nang may bigla syang ituro sa likod ko.

"Si Ayen! Andun sya!" halos pasigaw nyang sabi.

Napalingon ako agad-agad dahil sa pananabik. Marinig ko lang ang pangalan ni Ayen, jackpot na ang araw ko.

Pero, laking gulat ko na lang nang biglang nagdilim ang paningin ko. At nalaman ko na lang na piniringan na pala ang mga mata ko.

"A-ano to?" pagulat kong naitanong.

"Sssshh! Kidnap to." boses to ni Jess.

Dahan-dahan nya akong pinalakad. Halos matalisod naman ako dahil sa mga maliliit na batong natatapakan ng mga paa ko.

"Sandali lang, Jessa, ano ba to? Ayoko ng ginaganito, paalala ko lang."

"At ako, tingin mo ba gusto ko tong ginagawa ko? Kuuu! Kung hindi lang dahil kay....um..um....gagawin ko ba naman to? Sumunod ka na lang kasi sakin. Ang dami mo pang satsat jan!"

"O-okey! Susunod na po maam!"

Naguguluhan ako pero sumunod pa din ako. Galit sakin eh. Baka mamaya saksakin pa ako nito sa tagiliran ko, mahirap na.

"Bilisan mo nga paglalakad mo! Aabutin tayo ng siyam-siyam pag ganyan paghakbang mo eh! Para kang chicks kung lumakad!"

"Sandali lang ah, bat ka ba galit sakin?" tanong ko habang naglalakad parin ng mabagal at maingat.

"Galit ako sayo dahil ang kaibigan ko, nagpapakabobo at nagpapakatanga dahil sayo! Ang swerte mong gago ka at may taong di karapat dapat na magpakatanga dahil LANG sayo! Kung naging rubber lang ulo nun, dati ko pang inumpog sa pader yon eh at nang magising naman sa katangahan nya!" saka nya ako binitiwan at hinayaan akong maglakad ng mag-isa.

"Si Ayen ba yang tinutukoy mo?" pinipilit kong kumalma sa kabila ng paninigaw nya sa akin.

Kung makapanigaw naman, akala mo pumatay ako ng tao.

"Obvious ba?!"

Nangangapa na lang ako sa paligid ko. Palagay ko, nasa hallway na kami dahil patag at semento na ang natatapakan ng mga sapatos ko.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon