Chapter Five

85 6 0
                                    

Tuksuhan

~•~

Ayen's POV

"Uh... H-hi?" tsaka ako nakipagkamayan sa kanya.

Ang awkward, awkward talaga sa part ko. Kasalukuyan akong nakikipagkamayan sa kapatid ni Dean. Yung kapatid niyang akala ko ay nililigawan niya. Tinignan ko si Dean. Nakangisi ang mokong. Parang ipinaaalala sa akin yung nangyari nung isang araw. Halos malugmok na nga ako noon dahil sa sobrang kahihiyan eh. Sobra naman kasing mag-isip tong utak ko. Mas advance pa ata mag-isip kesa sa utak ni Einstein. By the way, andito kami ngayon sa isang cafeteria. Treat to ni Dean. Syempre objective nitong pagt-treat niya ay para ipakilala ako sa kapatid niya at ipamukha sakin kagagahan ko-di joke lang!

"Kuya, she's pretty in person." sabi niya sa kuya niya tsaka bumaling sa akin.

"Ikaw pala si ate Ayen. Madalas kang ikwento sa akin ni kuya. He said, makulit at pasaway ka daw. Mas maganda ka pala sa personal kesa dun sa mga drawings ni kuya sayo. You know what, halos isang libro na yung lapad ng mga collection ni kuya ng mga drawings ng figure m...."

Naputol yung sasabihin nya sana nang bigla siyang subuan ni Dean ng chocolate cake.

"Just eat. Masyado kang madaldal."

Bigla niyang hinampas ng friendlyng hampas yung kuya niya sa balikat nito.

"Sinasabi ko lang naman ang totoo ah!" sabi nyang puno pa ang bibig.

Nangiti naman ako sa ginagawa nila. Ang close nila tsaka ang ganda nilang tignan. Sana may kuya din akong kagaya ni Dean noh? Kaso malabo ng mangyari yon. Wala akong mga kapatid kasi sobrang busy ng mga parents ko. Walang time gumawa ng baby. ;-)

Tumikhim ako para mapansin nila ako. Baka makalimutan ng dalawang to na may pangatlong tao pa silang kasama.

"Ehem! Ehem."

Napatingin silang dalawa sa akin. 

Yung posisyon nga pala namin ngayon ay nakaupo kami in between sa isang square na table. Magkaharap kami nung kapatid ni Dean at si Dean naman ay katabi ko. Actually, tatabi sana sya sa kapatid nya pero sabi naman nito, ayaw nya raw na may katabi so tumabi na lang sa akin si Dean.

"Uh... Yung ano pala... Yung drawing, totoo yun?" curious lang kasi ako. Bat ako dinodraw ni Dean?

"Wag ka ngang nagpapaniwala dito sa kapatid kong to. Hindi mo makakausap ng matino to."

"Kunyari pa si Kuya. Takot macorner!"

Kung ganon, totoong dinodraw ako ni Dean? Uwaaaa! Bakit?! Kinilig ako bigla. Nangiti na lang ako ng patago. May possibility kaya na gusto nya rin ako? Hay. Heto na naman ako, heto na naman tong pagkaadvance kong mag-isip. In other term, ASSUMERA! Kung mag-assume, wagas.

"Wait! Alam nyo, bagay kayong dalawa!"

"T-talaga?!" nananabik kong tanong, hindi na kasi nacontrol ng bibig ko dala ng kauhawan ko sa idea na sana ay bagay nga kami ni Dean.

Nang pagkasabi ko nito, biglang napatitig sa akin si Dean at yung kapatid niya. Ewan ko pero di ko maipaliwanag yung titig ni Dean. Anak ng tokwa naman oh! Bat ko nasabi yun?! Pahamak tong bibig na to. Dahil sa hindi ko na mababawi yung nasabi ko, inilihis ko na lang yung usapan. Mahirap na mahirap na! Ang friendship na pinakaiingatan ko, baka mawala.

"Uh... San ka nag-aaral?" tanong ko doon sa kapatid ni Dean.

"Uyy! Si ateeee! Iniba yung usapan!"

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon