Chapter Twelve

59 6 0
                                    

Pag-amin

~•~

Ayen's POV

"Bbye, Ayen! Una na kami." paalam saakin ng mga classmate kong medyo close ko naman.

Asan na ba si Jessa? Bat kaya umabsent yun? Ni minsan indi talaga umabsent yun eh. Sa math subject niya pa talaga piniling umabsent eh paboritong-paborito niya. Wala tuloy akong kasabay na maglalakad ngayon papuntang gate. Tsk.

"Ayen beybe!"

Napalingon ako ng marinig ko to. Paglingon ko, yung classmate lang naman ni........ni Dean, si Axle. Pag naiisip ko yung Dean na yun, pakiramdam ko bumabagsak ang puso ko. Ewan ba pero ang sakit agad ng buong katawan ko. Iba talaga epekto niya saakin, buong katawan ko nasasaktan niya. Huhu.

"Nakita mo si Dean? Di kasi pumasok eh. Tsaka kanina parang ang laki ng problema. Nag-away ba kayo? May problema ba yun? Lagi na lang kasing balisa eh. Hindi naman siguro kayo nag-away diba? Nagkatampuhan lang siguro diba?" lahat ng yan tinatanong niya habang papalapit siya saakin.

"Sa lahat ng tanong mo, ewan ang sagot ko. Sige, mauna na ako." wala sa mood kong sagot sa kanya.

"Hindi mo siya kasama o nakita man lang? Tsk tsk tsk. Baka nasa ospital yun! Sumuka kasi siya ng dugo kanina. Tsk tsk. Kawawang Dean."

Napahinto ako sa paglalakad at napaharap agad sa kanya. At.............. nag-aalalang naitanong ito.......

"Anong nangyari kay Dean?!"

"Bwahahahahahahaha!!"

Biglang humalakhak ang shunga sa kabila ng seryosong-seryoso kong tanong.

"Sabi na nga ba eh! Patawarin mo na yun! Mahal ka naman talaga nun eh........bilang kaibigan nga lang! Bwahahaha"

"Alam mo, hindi na nakakatuwa yang ginagawa mo!" galit na sabi ko sa kanya atsaka ako lumayo na lang sa kanya.

"Ayen beybe, joke ko lang yun!" sigaw niya.

"Ngapala yung kaibigan mo na si Jessa, nililigawan ko na! Ayen! Mahal ka nun! Maniwala ka! Torpe kasi yun! Mahal ka talaga nun!"

Tinakpan ko na lang yung tenga ko. Nakakarindi yung mga pinagsasabi niya. Tsaka binilisan ko na lang yung paglalakad ko para di ko na marinig yung boses niya. Huminto ako sa may guardhouse at naalala ulit si.......si Dean. Ugh! Bat ba laging nagpapapansin sa isip ko yung.......yung.......yung si Dean.

"Hija, yung matangkad na lalaki na may dimple na boypren mo na lagi mong hinihintay dito ang hinahanap mo?"

Pati ba secu. na to ipapaalala saakin yung lalaking yun na sinaktan ako ng buong-buo? Chos! Ang corny talaga!

"Wala po akong hinahanap, kuya guard."

"Eh pano ba yan, hinahanap ka niya. Eto nga o, pinapabigay sayo."

Tsaka inabot saakin ang isang supot ng fishball.

"Sa inyo na lang po yan."

"Naku hija, sayang naman! Sayang yung effort niya. Humahangos pa naman ng dumating dito."

"Sa inyo na nga lang po yan. Kainin nyo na lang po o di kaya ay ibigay sa iba para hindi masayang."

Hay naku guard, magtrabaho na lang kayo. Sinuswelduhan kayo para magtrabaho hindi para maging referee namin ni Dean.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon