Chapter Six

82 7 1
                                    

Beybs

~•~

Ayen's Point of View

"Letter in a box..." sabi ko habang binabasa yung karatula sa ibabaw ng maraming colorful boxes na pinormang bahay.

Actually, matagal ko ng naririnig itong tungkol sa letter in a box na ito. Pakulo ito ng campus para hindi na raw magvandalize yung mga estudyante sa facilities ng school. Ang purpose nito eh para magpalabas ng nararamdaman mo, magpaadvice o pwede ka ring magbigay advice sa isang taong di mo kilala at makikilala mo lang siya sa pseudonym na ginamit nya. Pipili ka ng isang box at lalagyan mo ng pangalan mo yung box na napili mo. Two person each box. Maswerte ka kung may nakipagpartner sayo, ang ibig sabihin lang nito, pwede mo na siyang sulatan para magpaadvice, magbigay sa kanya ng advice o di kaya ay magseshare ng buhay nyo sa isa't isa.

Kumuha ako ng pen atsaka ko isinulat sa labas ng box sa may Sender 1 yung pseudonym ko.

Sender 1: naeD

Alam nyo kung ano meaning ng pseudonym kong to? Yan yung pabaligtad na spelling ng pangalan ni Tolbespren. Parang kung ano lang yung daeD no, pero napaka-special ng meaning nito sa akin.

Anyway, sino kaya ang magiging Sender 2 nito. Sana mabait at yung maayos makipagsulatan.

Napagdesisyunan ko kasing sumali sa mga kabaduyan na ganito dahil sa baka sumabog ang puso ko at mamatay ako pag hindi ko nailabas itong nararamdaman ko dito sa dibdib ko. Kaya eto ngayon, sasali ako sa kacorny-hang ito ng school for the sake na hindi ako maagang mamatay.

Anyway, kumuha na lang ako ng papel at isinulat ko dito yung gusto kong matagal ng sabihin sa taong nagpapatibok ng puso ko. Since hindi ko naman masabi sa kanya itong totoong nararamdaman ko ay idadaan ko na lang sa ganito.

Pagkatapos kong isulat sa papel yung gusto kong sabihin ay inihulog ko na agad ito sa box. Saktong pagkahulog na pagkahulog ko ay may biglang sumundot sa tagiliran ko sanhi ng sobrang pagkagulat ko.

"Ayyy! Anak ng pusa!"

Napaharap ako agad sa taong sumundot sa akin. Pusa naman oh! Papatayin nya yata ako sa sobrang gulat. Ano ba naman tong taong to, kung sumulpot manggugulat pa. Tsk.

"Papatayin mo naman ako sa sobrang gulat eh! Sumulpot ka naman ng maayos, tol."

Si Dean yung sumundot sa tagiliran ko. Pakiramdam ko talaga may sapak sa utak ang taong to eh. Seryosong seryoso ka tapos manggulat ba naman ng ganun?

Ngiti lang ang isinagot niya sanhi upang unti unting malaglag yung panty ko. Grabe kasi talaga yung ngiti ng taong to. Parang rainbow na kapag tinignan mo ay napapangiti ka rin ng abot sa tenga. Kahit ilang beses ko ng makita ang amazing na ngiti nyang to ay talagang napapa-wow pa din ako. Sobrang ganda na mas mamamangha ka pa dun sa ngiti nya kesa dun sa 7 wonders of the world. Kung pwede nga lang sanang isama yung ngiti niya doon para maging 8 wonders of the world eh. Ano ba kasing gayuma ang nilagay neto sa ngiti niya at humaling na humaling ako ng sobra?

"Ano ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin.

"Eh, ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"Wow, ah! Tanong sasagutin mo rin ng tanong?"

"Paki mo? Ganun style ko eh! Eh teka nga, bat ka ba nandito?"

"Bawal?"

Tss. Taong to talaga. Nagtatanong ka ng maayos tapos sasagot ng ganun.

"Teka...." sabi niya bigla sa tonong parang may natuklasan at nakatingin sya doon sa box na pinaghulugan ko nung letter ko. "Wag mong sabihing...."

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon