Chapter 038

15.4K 334 17
                                    

Misty's POV

"Ate,ako daw magsusundo sa'yo mamaya" paalala ni King habang sinusulyapa ako. Tumango ako at pabirong hinampas ang braso nya.

"Ikaw talaga. Kaya ko naman" pabirong sabi ko. Nakita ko ang pag-iling nya sabay liko.

"Oh c'mmon sis. Naatasan ako ni Papa kaya kailangan kong gawin" tumango nalang ako at nanahimik. Eto na naman,balik na naman ako sa dati kong buhay.

"Baka may gagawin ka?" Paniniguradong tanong ko. He shook his head sabay tigil sa sasakyan.

"Mamaya pa ang  alis ko. Sige na,malilate ka pa. Bye" kumaway sya at kinawayan ko din. Sinarado nya ang pinto sabay andar sa sasakyan. Sinundan ko ito ng tingin sabay buntong  hininga. Pumikit ako at ikinalma ang sarili ko. Kung ano man ang maitatrato saken nang mga kaibigan ko,kailangan kong tanggapin dahil kasalanan ko din.

Tinitignan lang ako ng mga tao habang naglalakad ako. Eto na tayo sa mga chismis. Isinawalang bahala ko iyon at naghanap ng mauupuan.

Mas mabuti narin ang mapag-isa. Mas nakaka-concentrate ka.

"Hey" napapitlag ako sa ginawang pagtapik saken ni-- Eugene. Ngumiti ako sa kanya at umurong para paupuin sya.

"Kamusta?" Tanong nya. Nagkibit balikat ako at binuklat ang libro ko. Nagpakawala sya ng hangin sabay kuha sa libro.

"Ano to Misty? Ganito lang? Tatahimik ka matapos nung nangyare?" Napaigting ang bagang ko at padabog na inayos ang gamit  ko. Tumayo na'ko sabay sukbit sa bag ko.

"Ano ba Misty! Kausapin mo nga ako. Gusto kong malaman ang dahilan mo sa pag-alis,ano ba talagang meron?" Halos pagalit na sabi nya. Hinarap ko sya at marahas na pinunasan ang luha ko.

"Wag mo nang alamin pwede. Kung sesermunan mo lang ako pwes wala akong oras. Magulo ang utak ko kaya wag mo nang dagdagan!" napayuko nalang sya at hinayaan ako. Pinilit kong wag ibagsak ang luha na tumutulo sa mata ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Di ko namalayan na-

"Ouch" impit na ungol ng babae. Napaangat ako ng tingin at nakita ko sila Cherry na natigilan sa pagtatawanan dahil saken. Unti-unti na naman akong yumuko at dumiretso sa CR. .

Binaba ko ang mga gamit ko at dun umiyak. So masama ang tingin nila saken ganun? Masama ako kasi iniwan ko si Travis? May dahilan naman e.. diba?

Napatakip nalang ako nang mukha sabay ayos sa sarili. Lalabas na sana ako nung bigla akong nakaramdam ng hilo. Napahawak ako sa sentido at hinilot iyon. Kahapon pa'to. Baka pagod lang..

Nagkibit balikat nalang ako at inayos ang gamit ko. Okay na sana ang lahat nung bigla akong naduwal. Isang minuto ang inabot nun,puro puti lang ang lumalabas. Baka nga pagod lang.

Muli ko na namang isinawalang bahala iyon at lumabas ng CR. Nadatnan ko si Ken na prenteng naglalakad habang nakalagay ang kamay sa tenga. Di nya yata ako napa--

"Misty!" Tawag nya na nagpatigil saken. Ngumiti sya at lumapit.

"Kamusta? Okay ka na?" Tanong nya na ikinataka ko. Tumango ako at nagsimula sa paglalakad.

"E si Kuya,di mo ba tatanungin?" Natigilan ako sabay tingin sa kanya. Wala namang masama kung magtatanong ako.

"K--kamusta sya?" Pabulong na tanong ko. He smirked at me sabay iling.

"Ayun. Still broken,lagi nang kasama si Pen. Sa tingin ko may nangyayari sa kanila" bigla akong kinilabutan sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib ko. Di ako makahinga sa sinabi nya.

"Kababalaghan ba?" Lakas loob na tanong ko. Wow Misty ha,kung makatanong ka. Make sure na di ka luluha.

"Yep,yun ang nararamdaman ko." Sabi nya sabay tingin sa paligid. Lumapit sya sa isang bench at umupo doon. Tumabi naman ako.

"Okay na kayo ng papa mo?" Out of the blue na tanong nya. Nagulat ako at tinignan sya.

"Alam ko lahat Misty.. alam na alam" sabi nya sabay tingin saken ng seryoso. Umiwas ako at binaling sa kung saan ang tingin ko.

"Sya din ang nanakot saken nung mga panahon na inilalayo kita sa kuya ko. Hindi sa ayaw ko sa inyo,actually gustong-gusto kita kay Kuya dahil ikaw lang ang nagpapasaya sa kanya. Nagbago lang dahil sa tatay  mo" nangunot na naman ang noo ko. Bakit ang dami nilang sikreto?

"You know. Boring kung magta-trabaho ako sa pamilya ko. Kaya kahit na alam kong may galit ang papa mo samen,pinilit ko paring makapasok sa inyo kahit na bawal. Mas maganda kasi ang trabaho kung may thrill" natawa nalang ako sa sinabi nya. Baliw!

"Di ko ginusto yung mga sinabi ko. Scripted yun promise" kapwa kami natawa dahil sa kalokohan nya. Natigilan nalang kami nung nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin mula sa labas.

"Ang sarap sa pakiramdam nung hangin" manghang sabi ko. Tinignan nya'ko at tumango. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amen.

"Anong balak mo?" Tanong ni Ken na nagpaisip saken. Ano nga bang balak ko?

"Ituloy ang buhay" painosenteng sagot ko. Sinamaan nya'ko ng tingin kaya nag-peace sign ako.

"Di ko alam. Siguro susunod nalang ako kala Papa sa Canada. Mas okay na yun para di ako nasasakal dito"  natatawang sabi ko. Gusto kong lumayo para narin sa lahat.

"Ang layo naman. Anyways,mag-iingat ka lagi. Ako nang bahala kay Kuya makakaasa ka" tinapik nya ang balikat ko na ikinangiti ko. Para to sa lahat..

"Sa tingin mo. Tama ang desisyon ko?" Biglaang tanong ko. Natigilan sya sabay inat.

"Simple lang naman yan e. Paano mo malalaman na hindi maganda ang desisyon na ginawa mo? Simple lang,kung pakiramdam mo na di ka masaya. Lahat naman tayo ang hinangad lang natin ay kasiyahan nang taong minamahal natin. Pero kung pakiramdam mo na tama na.. di na'to tama.. wala namang masamang bumitaw kahit na sobrang sakit sa side mo. Hayaan nalang natin ang mga sarili natin. Lilipas din naman yan" mahabang litanya nya. Tinignan ko lang sya dahil sa nasabi nya. So ibig sabihin di maganda tong desisyon na nagawa ko?

Napapikit ako at hinawakan ang bandang puso ko. Hayaan mo na Misty,masaya na sya oh kaya tama na.

Di ko namalayan na may luha na namang tumulo sa mata ko. Pinunasan ko iyon at tumayo na.

"Ken,salamat sa lahat ng pinagsamahan natin. Pero Ken sana bantayan mo si Travis. Siguraduhin mong sasaya sya kay Pen kagaya nang nagawa ko sa kanya. Mamimiss kita"  yumuko ako at bahagya syang niyakap. Ibinalik nya ang yakap na ikinangiti ko.

Eto na to Misty. Wag ka nanag aatras... oras na para mahalin ang sarili.

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon