Chapter 026

20.1K 491 32
                                    

and this chappy at dedicated sa pinakamamahal kong @xoxoBaozi <3 yung UD ko babes ha <3 ilabyu <3 <3 tatangkad ka pa tiwala lang XD.. basahin nyo yung mga stories nya ang ganda potek ♥.♥ basahin nyo okie?

Misty's POV

"Ken?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na ikinangiti nya lang,tumayo sya sabay inom ng tubig.

"Bawal ka bang sundan?" Balik na tanong nya habang nakasandal sa amba ng mesa.

"Oo bawal" mataray na sagot ko sabay irap at kapit sa braso ni Travis.

"Honey,ilayo mo'ko sa kanya. Ang creepy nya" bulong ko kay Travis,tumawa lang sya sabay gulo sa buhok ko.

"Di ka nya kakainin baby" nanlaki ang mata ko sa baby na sinabi nya. Hala may ganun?

"Dahil ako lang ang pwedeng kumain sa'yo" pahabol na bulong nya sabay ihip sa tenga ko. Napanganga ako at di nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Shet! Ano daw?

"Tss.. walang forever" Ken hissed sabay irap.

"Andyan na pala kayong mag-asawa,halina sa labas" yaya ni Mommy na ikinataka ko. Ano bang meron?

"Travis,ano ba talagang meron?" Nagtatakang tanong ko habang inaalog ang braso nya. Tumingin muna si Travis saken at ngumiti.

"Malalaman mo din" bulong nya sabay hawak sa kamay ko. Napakagat labi ako nung nakita ko ang mga bisita nya na naka-dress. Tapos ako pambahay lang.

"Dito kayo" hinawakan ng mahigpit ni Travis ang kamay ko sabay tigil,may iniabot sa kanya yung babae na kinuha nya.

"Suotin mo" iniabot nya saken ang paper bag na ikinataka ko.

"Ano ba kasi talagang meron?" Naiinis na tanong ko dahil ayaw nya talagang sabihin.

"Magbihis ka muna" pagpupumilit nya kaya panguso akong naglakad pabalik sa loob.

"Ma'am" napasinghap ako sa kumalabit,jusko si ate!

"Baket po?" Ngumiti sya at itinuro saken ang kwarto kaya pumasok ako. Nagulat ako dahil puro babae ang nasa loob at nakahilera pa sa pinto.

"Kami po ang mag-aayos sa inyo Ma'am" napapatango nalang ako at sinundan sila nung hawakan nila ang kamay ko.

Ano ba kasi talaga ang nangyayari?

Travis's POV

"Asan si Misty anak?" Tanong ni Mommy.

"Nasa loob po,nagbibihis" ngumiti si Mommy sabay yakap saken.

"Happy birthday baby" bulong nya na ikinatawa ko. Gumanti ako ng yakap at hinalikan ang balikat ni Mommy.

"Thanks ma,salamat sa lahat" naramdaman ko ang pagtango ni Mommy sabay kalas. Sinuri nya ang mukha ko sabay pisil nito.

"Sana maging masaya ka anak,sabi ko na e,good choice talaga si Misty" natawa nalang ako sabay iling dahil sa mga pinagsasasabi ni Mommy.

"Masaya na'ko kahit noon pa man" napa-pout si Mommy sabay yakap ulit saken.

"Mukhang tapos na yata ang asawa mo" kumalas si Mommy sabay lakad palayo. Nabaling ang tingin ko sa pinto at napangiti nung nakita ko si Misty na nakasuot ng red dress habang naka-curl ang baba ng buhok.

Tinignan ko ang mga bisita at nakita ko ang pagkamangha nila nung nakita si Misty. Kahit naman naka-pangbahay sya nakakamangha parin ang mukha.

Unti-unti syang naglakad papalapit saken habang di parin maintindihan ang nangyayari. Inabot ko ang kamay na na agad nya ring tinugon.

"Ano ba kasing nangyayari?" Pabulong na tanong nya,nginitian ko sya at iniyaya na sumayaw. Sakto lang ang suot kong black tuxedo sa suot nya.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa bewang nya at nagsimulang sundan ang beat nung tugtog. Tinititigan ko lang ang mukha nya habang nakangiti.

"Travis,nagtatampo na'ko.. di mo sinasabi kung anong meron" nagsimula akong haplusin ang mukha nya pababa sa bandang leeg. Hinawakan ko ang kamay nya sabay dampi ng labi ko dito.

"Birthday ko ngayon Mommy" nanlaki ang mata nya na ikinatawa ko,para na syang iiyak at di malaman kung ano ang sasabihin.

"N--ngayon? Hala! Ba't di mo sinabi?" Naiinis na sabi nya sabay hampas sa braso ko,napa-pout ako at kunyaring nagtatampo.

"Di ba dapat alam mo?" Natigilan sya saglit sabay yakap saken at subsob sa chest ko.

"Sorry honey.. sorry talaga" naiiyak na sabi nya kaya hinaplos ko ang likod. Ang totoo nyan,di ko talaga sinabi dahil iba ang gusto kong regalo.

"Okay lang baby" pang-aalo ko na ikinailing nya. Ang cute talaga

"Hindi! No pwede!" Pag-iinsist nya kaya hinawakan ko ang batok at dahan dahan na hinalikan ang noo hanggang sa tip ng nose papuntang labi.

"Okay na ba? Tatahimik ka na?" Mapanukso na tanong ko na ikinadilat nya. Ang sarap tuloy picturan.

"Wala man lang akong regalo.. nakakahiya" tinakpan nya ang mukha nya sabay subsob na naman saken. Sinenyasan ako ni Mommy na halatang kinikilig pa sa tabi.

"Tara,bigayan na nang message" hinila ko sya papalapit sa mini stage at lumapit sa mic.

"Uhm hello? Ehem... hi sa inyo" bati ko sa mga bisita,nagsitinginan sila sabay ngiti. Magsasalita pa sana ako nung biglang hinila ni Misty ang mic.

"Hi,good evening. I am Misty Flores-Dane.. asawa ni Travis. Una sa lahat,ako na muna ang magbibigay ng sweet message para sa honey ko" nagsitawanan ang mga tao pati si Mommy sabay thumbs up.

"Nagpapasalamat ako kasi dumating ka sa buhay ko,kung wala sigurong Travis Dane walang Misty Flores hihi. Anyways,ang message ko lang.. stay handsome at sana hindi magbago ang nararamdaman mo dahil yung akin,panghabambuhay at hindi kukupas. Happy birthday honey.. I love you" binitawan nya ang mic sabay lapit saken at pulupot ng braso sa batok ko. Napangiti nalang ako at tinugon ang halik nya.

"GET A ROOM GUYS!" napabitaw si Misty at napayuko sa sumigaw. Umiling ako at kinuha ang mic.

"This day is very special.. nadadagdagan na naman ako ng isa pang taon and now.. masasabi ko na ito ang best birthday ever kasi binigay saken si Misty at ngayon kasama ko sya. Noong una,patapon na'ko dahil di ko alam kung saan ako dadaan. Hanggang sa dumating si Misty,nasabi ko na sya na ang tamang daan kaya tinahak ko na. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko kaso ang hirap dahil habang tumatagal,lalo akong nahuhulog.. Mommy,promise me one thing please" humarap ako kay Misty at tinitigan sya,umiiyak na sya at di alam kung ano ang gagawin.

"Wag mo'kong iiwan" natigilan sya sabay hagulhol at tango,di pa'ko tapos Misty.

May dinukot ako sa bulsa at nagsimulang lumuhod sa harap nya. Napatakip sya ng bibig at lalong naiyak sa box na nakaharap sa kanya.

"Marry me again Mommy. Ang oo mo lang ang pinakamagandang regalo na matatanggap ko"

"Y--yes,I will marry you again Travis" ngarag na sagot nya kaya inabot ko ang kamay nya na nanginginig na sinuot ng singsing. Tumayo ako at hinalikan ang noo nya.

"Thank you,thank you talaga" bulong ko,shit! Naiiyak na din ako.. back to gay Travis na naman ba'ko ulit?

"Mahal kita Travis" bulong nya na ikinangiti ko. Pumikit ako at naramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa labi ko.

Mukhang may patutunguhan to ha! Ayus! Best birthday talaga!

♥ ♥ ♥ ♥

Di ako makatiis shet XD naenjoy nyo ba? Ang talk shit ko talaga... tsk tsk

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon