Chapter 025

20.2K 436 26
                                    

Misty's POV

napasinghot ako sabay punas ng luha,shet nakakaiyak.

"huy! bakit ka umiiyak dyan? adik ka?" tanong ni Travis sabay tapik sa balikat ko at upo sa tabi ko,tinignan ko lang sya at itinuon ang atensyon ko sa pinapanuod ko.

"grabe,kawawa si Yesung" garalgal na sabi ko sabay punas ulit ng luha,binatukan nalang ako ni Travis sabay tawa.

"gaga! sumasayaw pa nga lang ng Sailor Moon oh tas nagdadrama ka na?" natatawang tanong nya sabay hagalpak ng tawa,napa-pout nalang ako at inirapan sya. At ito na naman po tayo sa tawa nya.

"baket ka ba tumatawa kapag umiirap ako?!" bulyaw ko sa kanya na ikinatigil nya,sumeryoso sya at saka nagsalita..

"kasi mahal kita.."

natulala ako at papalit-palit na tinignan ang mata nya,nag-smile sya sabay lapit saken napakapit ako sa bed sheet at itinikom ang bibig ko..

napapikit ako nung bigla nyang pinitik ang noo ko sabay nguso kaya kiniss ko. At isa na namang pitik ang natanggap ko.

"baket mo'ko hinalikan?" di makapaniwalang tanong nya sabay hawak sa  lips nya

"ngumuso ka kasi" binelatan ko sya at tinawanan.

"ah ganun,lintik lang ang walang ganti Mrs. Flores" natigil ako at dahan dahan syang nilingon,napalunok ako sabay tayo at takbo sa buong kwarto.

"halika ditey bru~" pang-horror na tawag nya kaya lalo kong binilisan ang takbo.

"uhm... ayoko po tay!!" sigaw ko sabay tungtong sa kama.

"halika na dito anak,masarap to.." para namang syang rapist nyan,tumigil ako kaya tumigil din sya sa paglalakad.

"re-rapin mo ba'ko Tay?" parang batang tanong ko,gumilid sya sabay suka kunyari..

"kadiri ka! Pano kapag tatay mo talaga ang humahabol sa'yo? magpapa-rape ka rin?" natigilan ako hindi dahil sa tanong nya,kung di dahil sa binigkas nya na 'Tatay'

wala namang epekto saken kanina yun,tapos nung sya na ang nagsabi ng tatay.. parang naging iba na.

"m-may problema ba bru?" seryosong tanong nya na nagpagising saken,nag-angat ako ng tingin sabay iling.

"okay lang ako honey.. hehe don't mind me" iwinasiwas ko ang kamay ko sabay talon pababa sa kama,tutungo na sana ako sa CR nung bigla nyang hinila ang braso ko pabalik sa harap nya.

"alam kong may problema ka" seryoso na namang tanong nya. Baket ba ang tigas ng ulo ni Travis? sinabi nang wala akong problema.

"w--wala nga okay.. maliligo na--" napapitlag ako sa ginawa nyang paghatak saken papalapit sa kanya,I was stiffened.. di ako makagalaw nor maka-react.

"asawa mo'ko Misty,kasama mo'ko sa problema mo. Nangako ako diba? at tutuparin ko yun. Sabihin mo naman saken Mommy ko,promise nandito lang ako makikinig sa'yo" napapikit ako at iniangat ang mga braso ko para yakapin sya.

Kailangan ko ring ilabas kung ano man tong galit na nararamdaman ko sa tatay ko. Ang sakit lang kasing isipin na iniwan nya kami sa di malamang dahilan,pinaniwala nya pa'ko na masamang tao si Mommy at nang-iiwan. .

Yun pala sya.. akala ko kakampi ko sya,akala ko sya na yung the best na tatay sa mundo..

I was wrong..

kumalas si Travis at tinignan ako,napatingin ako sa screen ng Tv at saktong nandun na sa part na nagbibilang na si Yesung.

"Hana,deul,set... h--hana,deul,set.. Appa"

napasulyap din si Travis sa TV,napahigpit ang kapit  ko sa braso nya kaya hinawakan nya lang yun.

"alam mo,ang swerte ni Yesung.." paninimula ko.

"kasi kahit na may sapak ang tatay nya,nagawa parin syang alagaan at hindi sya iniwan.. e ako? ang tinu-tino ng tatay ko tapos iniwan nya kami" nakayukong sabi ko,naramdaman ko ang paghaplos nya sa mukha ko.

"nandito naman ako e,aalagaan kita at di kita iiwan" napangiti nalang ako sa sinabi nya,hinawakan nya ang likod ng ulo ko at hinalikan ang noo ko.

"sa tingin ko maiinlove ulit ako.." agad akong napakalas at si makapaniwalang tinignan sya,yumuko sya at tinignan ako ng nakakaloko.

"subukan mo lang Travis.. subukan mo lang na mainlove sa ibang babae kundi--naku!" dinuro ko sya at tinawanan nya lang ako,iniyakap nya'ko sabay bulong sa tenga ko.

"joke lang yun syempre... pero alam mo ba kung ano pa yung isang bagay na magpapabaliw lalo saken?" napangiti ako at pinulupot ang kamay ko sa batok nya.

"ano?"

"ang makita ka na pinagbubuntis ang mga anak ko..."

napakagat ako ng labi nung sinabi nya yun,Piste ka Travis!!

tumaas ang mga balahibo ko sa ginawa nyang paghalik sa balikat ko,OMG eto na ba yun lord? Ibibigay ko na ba si bataan?

pumikit ako at lalong idinikit ang katawan ko sa katawan nya,binuhat ako ni Travis at inihiga ng dahan-dahan sa kama,lumipat si Travis sa mukha ko at isa isang dinampian ng halik ang bawat parte nito.

"Tito Travis we ha-- OMG WALA AKONG NAKIKITA!" mabilis pa sa alas kwatro ang pag-upo namin ni Travis dahil narin sa nagsalita.

"wala talaga akong nakikita swear!" nakatakip ang mata na sabi nung bata.

"a--anong ginagawa mo dito Venus?" tanong ni Travis sa bata,nagtanggal ng takip ang bata sabay peace sign.

"hehe  sorry.." sabay yuko,nagkatinginan kami ni Travis at saka lang sya tumango.

"susunod na kami pakisabi.." tumango ang bata sabay karipas ng takbo,tumingin ako kay Travis at saka lang sya tumayo.

"pinsan ko sya... at malamang nandito din sya" seryosong sabi nya kaya napatayo din ako at nilapitan sya.

"sinong sya?" tanong ko habang nakanguso,umirap lang si Travis at kinuha ang suklay sabay pwesto sa likod ko.

"kilala mo sya Misty,kilalang kilala" seryoso na namang sabi nya,tumango nalang ako at pinanuod sya mula sa salamin habang busy sa pagsusuklay.

ang sarap tuloy mag-imagine na sinusuklayan ni Travis ang buhok ng anak namen t'wing papasok. Ang cute siguro nun.

"halika na... baka maghihintay na sila.. Gorabels!" napailing nalang ako dahil sa ginawa nyang pag-flip hair sabay check sa ere.

"gorabels!" ginaya ko sya na ikinatawa nya lang. Balik na naman sya sa dating Travis ^^

naka-angkla si Travis sa braso ko habang sabay kaming naglalakad. Baliktad diba? ako dapat yung nakaangkla..

"Travis and Misty anak! may mga bisita pala tayo"bungad samen ni Mommy sabay hila samen patungo sa kusina.

"dito! dito! liko"

"Ma,alam po namen.. kami na po" kumalas si Travis at ganun din ang ginawa nya sa kamay ko.

"sige na nga!" parang bata na himutok ni Mommy sabay belat sa anak mula sa likod,nag 'sshh' sign si Mommy kaya sshh lang din ako.

nung nandito na kami sa kusina.. laking gulat ko dahil sa mga bisita..

"Hi guys!" bati nya samen,napanga-nga ako at na-speechless..

"Ken?! a--anong ginagawa mo dito?" pasinghal na tanong ko,nagkibit balikat sya at tinuloy ang kinakain.

"Hi bro!" bati nito matapos malunok ang buto manok.

p--pero anong ginagawa nya dito? "

Aish! A

nakakaintriga talaga!

xoxoxoxo

mukhang gabihan ang UD ^^ thanks..

#k

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon