Chapter 06

26.3K 699 57
                                    

Misty's POV

"Hoy! Nababaliw ka na?" Napanguso ako nung nabatukan ako ni Janine,isa sa mga kaibigan ko,umupo sila sa tabi ko at kinuha yung softdrinks na kanina pa nakatengga dito. Umupo sila sa bakanteng upuan sa mesa ko 


"Baka nga bes kasi kanina pa sya parang tanga diyaan." Segundo naman  ni Cherry sa sinabi ni Janine. Ngumiti lang ako at umiling-iling.


"Si Travis ba dahilan ng ngiting yan?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mei. Paano niya nalaman? Ni hindi ko nga nasabi sa kanya yung tungkol sa nangyari sa amin kagabi ni Travis.


"Nako! Flores huwag ka ng magtanong kung paano ko nalaman,alam ko naman kung gaano ka kahayok sa hotdog n-- Holy chef!" Napaharap ako kay Mei na nakatakip na ang bibig.


"Bakit Mei?" Excited na tanong ni Janine. Kumunot ang noo ko sa pagtakip nya ng bibig,OA ha! 


"Wala lang." Biglang nawala ang ngiti nila Janine at Cherry sabay sabunot sa mahabang buhok ni Mei. Ngumiwi ito sa sakit sabay hampas sa kanilang dalawa.


"Magpakamatay ka na Mei! Wala namang papatol sa'yo!" Asar na sbai ni Cherry sa kaniya. Tumawa ng malakas si Mei habang inaayos ang buhok nya.


"Kasalanan ko bang uto-uto kayo?" Natatawang sabi nya na lalong kinausok ng ilong ni Cherry.


"Mamatay na lahat ng paasa! Mga gago kayo!" Inis na bulyaw ni Cherry na nagpatigil sa aming tatlo. 


"Hala si ate oh! Move on na te! Di ka na mahal nun!" Paalala ni Janine sabay inom sa coke na hwak nya. Kinuyom ni Cherry ang kamay nya habang nakatingin ng masama kay Mei.


"Gago! Wag mo'ko titigan ng ganyan,hindi ako yung nanakit sa'yo kaya pwede ba?" Pairap na sabi ni Mei sabay buklat sa libro nya. Naiiling na binuksan ko nalang ang notes ko habang nakangiti.


Flashback


Matapos maligo ni Travis,agad akong lumapit sa kanya at pinunas ang towel sa humahaba nyang buhok.


"Bakit ang gwapo mo?" Wala sa sariling tanong ko habang tinititigan syang nagtutuyo ng buhok sa harap ko. Sayang naman oh! Bakit nagbihis sya kaagad?


"Eh bakit ang panget mo?" Tanong nya sakin pabalik. Umirap ako sabay hagis ng unan na nasa gilid ko. Punyeta 'to! 


"Ayaw pa kasi aminin na nagagandahan ka sa akin. Hindi ko naman pagkakalat honey ko,don't be shy." Nanlaki ang mata niya sabay hagis sa basang tuwalya na saktong tumama sa mukha ko. 


"Ang ganda mong balibagin." Sabi nya sakin sabay talikod. Ngumuso ako sabay dapa sa kama para matitigan ang malapad niyang likod. Nakatayo sya sa closet nya habang may inaayos. 

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon