Chapter 012

25.8K 528 33
                                    

James at the multimedia ----->

Misty's POV

"bru~ gising na,lumabas na si fafa araw kaya gising na" napapitlag ako nung nakaramdam ako ng parang may umihip sa tenga ko,kinusot ko ang mata ko at nadatnan si Travis na inaayos ang kumot sa tabi.

"honey" malambing na bungad ko sa kanya sabay angkla sa braso nya,mabilis nyang iwinaksi ang braso nya sabay harap saken.

"maligo ka na at tayo'y gogora na,bilis bilis!!" pinagtulukan nya pa'ko papasok ng CR kaya wala na'kong nagawa.

"aalis na ba tayo?" excited na tanong ko sa kanya habang inaayos yung mga gamit ko,he took a glance at me and nodded.

"OMO CAN'T WAIT!" umakyat ako sa kama at tumalon talon,tinigil nya ang ginagawa nya sabay hila pababa.

"konti nalang at tatalian na kita! para kang seven years old kung maka react,kalerkey ka" ginulo nya ang buhok nya at tinuloy ang ginagawa,ngumiti ako at unti-unting lumapit sa kanya.

"sorry" malambing na sabi ko sabay yakap sa kanya,I can feel his goddamn abs >\\\<

"osya sige na,bumitiw ka na at aalis na tayo" iwinaksi nya yung mga kamay ko at nagpalit na nga damit.

----

"beach resort?!" amaze na tanong ko habang nauunang bumaba sa kanya,hindi sa ngayon lang ako nakabisita sa mga beach resort,kaso kasi... masaya daw gumawa ng totoot dito.

buti nalang at complete set ang dinala ko.

"sana mapasukan ng box jellyfish yan" napasara ako ng bibig at sinamaan sya ng tingin,nagpeace sign lang sya at dinala na ang gamit namen.

"Welcome To Aling Beb's Beach Resort"

kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang tawa ko,Aling Beb? ang gandang pang-CS nun.

"Here's your key Mr. and Mrs. Dane" nag-twinkle ang mata ko nung nakita ko na isa lang ang susing binigay samen,parang lightbulb na nakaisip ako ng naughty idea.

"alam mo bru~ natatakot na'ko sa bawat ngiti mo,parang sa likod nun ay parang may malagim na mangyayari" di ko sya pinansin at nilagay na sa closet ang mga gamit namen.

"Honey,swimming tayo" yaya ko sa kanya habang gumugulong-gulong sa kama.

"pass" simpleng sagot nya,napaupo ako at ngunot noong tinignan sya.

"huh? baket?" ako.

"meron ako bru~ kaya pass -- Ouch!" napahawak sya sa ulo nya at hinimas himas iyon,nag-cross arms ako at tinaasan sya ng kilay.

"honey naman e" pagmamaktol ko na parang bata,ginaya nya lang ang ginawa ko sabay ismid.

"kung gusto mong umitim,wag mo'kong idamay,mahal ko kutis ko nuh" napangiti nalang ako dahil sa kaartehan nya,kaya mahal na mahal ko si Travis e.

"okay" simpleng sagot ko sabay hila nung damit na susuotin ko.

"mahabaging ginoo,ano yang suot na yan?!" agad na bungad ni Travis saken,kinunot ko ang noo ko at painosente syang tinignan.

"anong suot?" pabalik na tanong ko,sinapo nya yung noo nya at iritang tinignan ako.

"yang suot na yan? nag-damit ka pa kung ipapakita mo din pala,alam mo bang ang baba mo tignan?" napaatras ako sa sinabi nya,kinagat ko ang labi ko at unti-unting yumuko.

"g--gusto ko lang namang mag-swimming e" pagdadahilan ko habang pinipigilan ang luha na patulo na.

"swimming? pwede ka namang mag-swimming ng hindi pinapakita yang katawan mo,alam mo bang pwede kang mabastos?!" napatango nalang ako at tinignan sya,pinilit kong ngumiti kasi.. dun naman ako sanay

"opo,hindi na pramis.. nagseselos din pala ang honey ko,m-magbibihis lang ako ha,wit for me.." nilaparan ko ang ngiti ko at dali-daling bumalik sa CR,binuksan kon yung shower at bumabad doon.

nangako ka na Misty na hindi ka na iiyak,matapang ka na diba? tinakpan ko yung bibig ko at napaupo,nasigawan nya'ko,masakit pero sa tingin ko totoo yung sinabi nya,nakakababa ng pagkababae ang pagiging ganun.

"M-Misty! tapos ka na ba?!" sigaw ni Travis habang kinakatok yung pinto,naalarma ako kaya agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa salamin.

"m--malapit na'kong matapos!" sigaw ko pabalik habang pinapakalma ang sarili.

"baket? may problema ba?" tanong ko sa kanya habang iniiwasan ang mata nya,baka kasi makita nya na umiyak ako,ayokong isipin naman nya na ang babaw ko. Na naman.

"s-sorry kanina" pabulong na sabi nya,napangiti ako at nagkunwaring di narinig.

"h--huh? may sinabi ka ba?" tanong ko sabay kuha ng baso at inom ng tubig.

"wala! tara labas tayo" bahagya akong nadismaya at ngumiti nalang ulit,atleast nag sorry sya diba? di nga lang nya inulit.

"ikaw nalang" matamlay na sabi ko sabay pout sa kanya,napalinga sya sabay gulo ulit ng buhok nya.

"wag ka ngang maarte bru~ goralets" sabay hila saken,iniwan ko nalang ang baso sa mesa at tuluyan ng sumama sa kanya.

"fresh air" litanya nya habang dinadama ang init kasabay ng hangin sa beach,napapikit nalang ako at pinakinggan ang tawanan ng mga bata kasama ng dagat.

"di ka maliligo? dali swimming tayo" tumakbo sya habang hawak ng mahigpit ang pulso ko,tumampisaw sya sa tubig at nakigaya narin ako.

"bru~ tara picture tayo dalii!!" hinila nya'ko at agad na tinutok ang phone nya sa harap namen,napapose ako ng de oras nung bigla nya itong iclick.

"perfect" mahinang sambit nya with matching pilantik,natawa nalang ako at nakitingin sa picture.

"ang lungkot mo dito bru" nilakihan ko ang mata ko sabay iling,tumango tango sya at tinuon ang pansin sa phone.

"ayan! bungga!" nangunot ang noo ko at tinignan ang ginawa nya.

"winallpaper mo?" manghang tanong ko habang nakangiti,he nodded sabay

*click*

napakurap ako pagkatapos nya'kong kuhaan ng picture,ilang bese din yun.

"ahaha ang ganda mo dito bru!!" natatawang suhestiyon nya sabay--

"oh,nasa screen lock naman ngayon?" nginitian nya lang ako sabay wisik saken ng tubig.

"AAAAACK" tili ko habang pinupunasan yung nabasa kong mukha,tinawanan nya'ko at unti unting nilagay ang phone sa bulsa at langoy.

"HONEY YUNG PHONE MO!!" sigaw ko habang umaamba palapit sa kanya.

"water proof yan Mommy ko!!" napangiti ako ng pasikreto dahil na naman sa tinawag nya saken,shet kilig >\\<

lumangoy ako at agad syang hinabol,pasalamat sya at pinaglihi ako kay dyesebel kaya mabilis akong lumangoy.

nakakatagal na yata ako sa kakalangoy nung naisipan kong iangat ang ulo ko and--

"WAAAAAAAAAH!!" tili ko habang pilit na inaabot ang bunhangin.

"Misty" napalingon ako sa likod at nakita si Travis na lumalangoy patungo sa lugar ko,ayt magkunyari kaya akong nalunod? tapos i-ma-mouth to mouth nya'ko,Omg ang talino ko talaga.

pipikit na sana ako nung biglang may kumapit sa bewang ko,nagtataka akong tumingin dun sa kumapit.

"J--James?!"

xoxoxoxo

okay okay,sinisipag ulit ako XD ay magpa-plug lang.

Exostan ka? kung gusto mo ng boyxboy or story ng OTP nyo.. just go to

@xoxoBaozi profile,basahin nyo yung Forbidden Love nya na XiuHan Fanfic,di kayo magsisisi guyth ^^ maeenjoy nyo yun

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon