Chapter 017

23K 500 13
                                    

Misty's POV

"MISTYYY!!!" agad na bungad nila Cherry habang tumatakbo,natigil ako sa paglalakad at nagtatakang tumingin sa kanila.

"may problema ba?" tanong ko,huminga muna sila ng malalim bago nagsalita.

"si Janine-- HALIKA DALI" agad nilang hinila ang kamay ko sabay hila sa kung saan.

medyo malayo narin ang natatakbo namen,nakahinga ako ng maayos nung natigil na kami.

nanlaki ang mata ko nung nakita ko si Chelsie na nakaluhod sa isang lalaki na parang nagmamakaawa.

"please,ano bang pwede kong gawin para mahalin mo'ko ulit... nangako ka diba?! nangako!!" mangiyak-ngiyak na sigaw nya,napangisi lang yung lalaki at agad na iwinaksi ang kamay nya.

"tss.. please let me go.. i don't fcking love you so go away" nilagpasan nya si Chelsie at bahagyang binunggo,biglang kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa nya.. how dare him?!

"YOU!!" agad akong lumapit at hinila pabalik yung lalaki,nagulat ako dahil di naman kaaya-aya ang mukha nung lalaki,Duh? mukha syang tambay sa kanto.

"any problem Miss?" tanong nya habang nakataas ang kilay,tinaasan ko rin sya ng kilay at pinantayan ng tingin.

"anong karapatan mo na ganyanin ang kaibigan ko?" ngumisi sya at saka pinasadahan ng tingin si Chelsie.

"magkaibigan nga kayo,parehas na aksaya sa oras" at saka sya lumakad palayo,aish! Leche sya! di man lang ako pinagsalita?!

"Chelsie" agad akong tumakbo sa kanya at lumuhod,sinuri ko yung pagmumukha nya kung okay lang ba sya.

"Oh? Ano pang tinitingin-tingin nyo? tapos na yung palabas" mataray na sabi ni Cherry at saka binigyan ng matatalim na ti ngin ang mga tao,agad naman silang nagsi-alisan.

"ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ko,nanahimik silang lahat and--

"AHAHAHA" sabay-sabay silang nagsitawanan na ikinataka ko.

"anong nakakatuwa? nasaktan na nga sya ng lalaking yun tumatawa pa kayo?" natigilan sila saglit at tumingin saken...

"look Mrs. Dane,lahat nang yon ay acting lang.. pffft-- naisipan kasi namin nila Janine na aayos ang acting skills ni Chelsie kung gagawin nya yung scene ng magmamakaawa sa lalaki. At nagkataon na binigyan namin sya ng dare dun sa lalaki at yun na" natatawang paliwanag nya,I gritted my teeth sabay turo sa kanila.

"bakit nyo ginawa yun? alam nyo bang nakakahiya?! kung wala kayong pakialam sa tingin nyo sa sarili,wag na kayong mandamay!" at dun ako padabog na umalis,totoo naman kasi diba? nakakababa yung ginawa nila.

sasakay na sana ako ng Taxi nung biglang nag-beep ang phone ko.

From: Honey ♥.♥

bru~ anditey ako sa harap ng school nyo,kanina pa'ko dito e :(

dali-dali akong tumakbo palabas,hinanap ko yung kotse ni Travis,hanggang sa nakita ko syang nakasandal doon at hawak ang phone nyo na parang may hinihintay.

"HONEY!" pasigaw na tawag ko sabay angkla sa braso nya,nakita ko syanv ngumiti at ginulo ang buhok ko.. uh oh.. wala na ang pagka-badtrip ko.

"kamusta school? haggardness ba?" di sya kumalas sa yakap ko sa braso nya,isinandal ko yung ulo ko at pumikit-pikit.

"nakakapagod,pero nung nakita kita.. nawala lahat ng pagod ko" natigilan sya at tumawa..

"halika na nga,umuwi na tayo" binuksan nya yung door ng front seat at agad akong umupo doon,umikot sya at binuksan ang driver's seat.

"nag-grocery na pala ako,nandun sa compartment" nangunot ang noo ko sa sinabi nya,dapat kasama ako..

"bakit di mo sinabi?" napa-pout ako bigla,napasulyap sya saken at nailing.

"ano yun? ieexcuse pa kita sa prof mo para  lang sa pagg-grocery? at saka isa pa,mas okay na yung di ka napapagod" natigilab and at the same time napanganga ako sa sinabi nya,ayaw nya'kong napapagod?

"ikaw honey ha,concern ka" sinundot ko ang tagiliran nya dahilan para mapasama ang tingin nya saken.

"malamang concern ako kasi asawa kita,at saka di naman maaalis sa isang asawa ang ganyang klaseng pag-alaga" napalunok sya at tila kinabahan,napangiti ako ng nakakaloko at nanahimik nalang.

inlove ka na nga ba saken Travis?

----

*sniff sniff*

nagising ako dahil sa aromang naaamoy ko,kahit nakapikit,pinilit ko paring tumayo at tignan ang niluluto ni Travis.

napaawang ang bibig ko nung nakita ko syang nakasando na black and boxer na ehem heart at saka naka-pony ng bahagya ang humahaba nyang buhok,yung bangs lang yung nakatali at nakataas.. hehe ang cute.

napaupo ako sa upuan at pinagmasdan ang perpekto nyang katawan. Gash! di ako makapaniwala na asawa ko na ang tulad nya.

tumalikod sya at pumunta sa pwesto ko,mukhang di nya'ko napansin dahil busy sya sa ginagawa nya.

"ayan,perfect" natatawa nalang ako dahil sa expression nya,ang cute nya lang pagmasdan,tumalikod sya ulit at nag-gisa ng bawang at sibuyas.

kinapa ko ang phone ko at pinicturan sya habang nagluluto,sinulyapan ko pa sya at dali-dali kong ginawang wallpaper.

tinago ko kaagad ang cellphone ko at balik sa ginagawa.

"magising na nga yung-- AY JUSKO" muntikan nya ng mahulog yung plato nung nakita ako.

"hi Honey" pa-sweet na tawag ko with matching kaway-kaway,napahinga sya ng malalim at saka nagsalita.

"sa susunod nga wag kang manggugulat ng ganyan" he rolled his eyes at balik na naman sa pagkamataray na Travis,may mood swing din to e noh.

"ayey" yun lang ang sinabi ko sabay kain sa pagkain na nasa harap.

"takaw"

kasalukuyan akong nagmumuni-muni dito sa balcony,medyo malalim ang iniisip ko,kaso ano naman kaya yun? tsk baliw na yata ako,baliw kay Travis

napapitlag ako nung may lumapit sa likod ko sabay galaw sa buhok ko.

"anong ginagawa mo?" tanong ko,di nya'ko sinagot at patuloy lang sa ginagawa nya.

"ayan" matapos ng ginawa nya,agad syang lumapit at tumayo sa tabi ko.

dun ko lang narealize na tinalian nya pala ako,napakagat labi ako sabay tingin sa kanya.

"t--thanks" asdfghjkl-- ngayon lang ako nautal,that was my dream before,na sana may lalaking magtatali ng buhok ko habang busy ako sa ginagawa ko and now... I can't believe this.

"ang lalim ng iniisip mo ha,at saka gabi na oh.. tara tulog na tayo" inabot nya ang kamay nya at tinignan ko lang yun,napansin nya yata yun dahil agad nya rin yun ibinaba.

"may problema ba?" tanong nya,matagal ko ng gusto tong itanong... kaso hindi ito ang oras,alam ko at ramdam ko na naguguluhan pa sya.

ayoko syang madaliin,pero sana naman ma-appreciate nya yung nararamdaman ko at bigyan nya ng halaga yun.

kailan mo ba'ko mamahalin Travis?

yan ang munting tanong sa utak ko,sana pagdating ng panahon masagot ko yun.

xoxoxoxo

Heol~ nakabawi ba? XD

-SonNamshin

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon