Chapter 05

26K 638 30
                                    

Misty's POV

Higa at talon lang ang nagagawa ko dito sa kwarto ni Travis,infairness hindi sya matagal,hindi talaga sya matagal. Halos tatlong oras na'ko dito wala parin sya,hindi talaga sya matagal.


"Ang tagal mo maligo bakla. Dinaig mo pa'ko ha,kaloka!"  Bulong ko habang nilalaro ang orasan sa tabi,nakarinig ako ng click ng knob kaya agad akong napatayo. Buti naman at naisipan nya pang lumabas,bibilhan ko na nga sana sya ng christmas gift dahil hanggang pasko pa yata niya balak lumabas.


"Ang ganda ng pinaghihintay mo ha. Pasalamat ka at crush kita kundi nako!"  Reklamo ko habang gumugulong gulong sa kama nya,he rolled his eyes at saka umupo sa upuan malapit sa salamin nya.


"E ano ba kasing problem?" mataray na tanong nya habang kinukuha ang moisturizer nya,napapout nalang ako habang pinapanuod sya sa ginagawa niya. Aba't ang dami niyang ritwal! 


"Anong ginawa mo sa loob at ang tagal-tagal mo?" Tanong ko habang mahaba parin ang nguso ko. Ganito ako kapag nagtatampo oh kaya naman nadidismaya. Sabi nila ang childish daw eh pake nila? Kurugan ko sila eh! 


"Kumain ako doon Misty,ang sarap nga ng pagkain doon eh,try mo minsan. Psh! Malamang naligo ako sa C.R. Myghad babae,saan ka ba pinanganak?" Sabi nya na parang nangungunsumisyon na. Binato ko sa kanya yung unan niya at tumayo. Alam ko naman na naligo sya doon ang ibig kong sabihin,anong ginawa nya doon at di nya naisipang lagyan ng moisturizer yung mukha nya. Itong baklang 'to! Akala mo maganda. . . maganda naman talaga siya eh huhu.


"Aray ko ha!-- masakit!" 


"Unan lang yon! Ibato ko 'tong kama mo eh!" Umirap ako at naglakad papalapit sa balkonahe,hayaan mo na nga iyong parusa. Napapikit ako at sininghot ang malamig na simoy ng hangin. Naii-stress ang beauty ko kay Travis.


"Singhot pa,baka maadik ka niyang kakasinghot." Napadilat ako nung maramdaman kong may bumunggo ng braso ko,napatingin ako sa gilid at nakita si Travis na nakatingin sa buwan. Despite of being in a bad mood,ngumiti ako habang nakatitig sa kaniya. 


This is one of my dreams,ang makasama ang taong gustong-gusto ko sa ilalim ng liwanag ng buwan. 


"Ang ganda ng buwan ano?" Panimulang tanong ko,he took a glance at me and nodded. Bumilis ang tibok ng puso ko sa saglit na pagsulyao niya. How come at naging bakal 'tong nilalang na'to?


"Parang ikaw lang."  Natulala sya saglit at umiwas ng tingin,hehe tama naman yung maganda diba? Yung ganda niya pang-ilalim ng dagat hindi pang-lupa. 


"Krung krung! Nakakdiri ka ha!" Napahagikhik ako ng mahina at napangiti ng malapad,okay 1 point for Misty.

"Alam mo,kung papipiliin ako kung ikaw ba o ang buhay ko,siguro buhay ko yung pipiliin ko" Out of the blue na tanong ko,huwag niya lang talagang sisirain ang banat ko dahil babanatan ko talaga 'to. Syempre joke lang. 


"Malamang,sinong bang tanga ang pipiliin ang buhay ng iba diba?" Sabi nya with matching irap pa. 

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon