MNB20- They are here

1.6K 34 2
                                    

Author's Note.

--Hi sa mga taong nagbabasa nito. Nagpapasalamat ako sa mga bumoboto at patuloy na naghihintay ng update kung meron man, mabuhay kayo! Para sa susunod na update vote lang po at comments para mas mabilis ang update ko. Gusto ko kasi ng feedback. Anyway eto na ang chapter 20. Sana magustuhan nyo! :)--

"WHAT THE ANONG GINAGAWA NILA DITO?" Halos mabuga ni Anessa ang kinakain nitong burger dahil sa malakas na sigaw ni Sierra. Pero agad naman itong nakabawi dahil nasilayan nya si Ace.

Akala mo mga walang kasong kinakaharap sabagay hindi pa nakakabalik ng Pinas si Jack kaya wala pang hearing na magaganap. And good thing nakapagenroll na sila. Nasabihan na din ni Addison si Carlos at pumayag naman ito. Hindi nya pa alam kung paano nya haharapin ang kapatid ang alam nya ay nasa manila nga ito ganun na lang din ang pasasalamat nya at di sila nagkakasalubong sa loob ng mahigit dalawang taong pamamalagi nya dito. Strikto kasi ito parang ang daddy nya pero malapit naman sila sa isa't isa.

Agad na lumapit si Julia sa kinaroroonan ni Anessa at Sierra. Ang mga lalaki naman ay dumiretso sa counter para umorder. Hindi nila kasama si Addison dahil busy ito at si Jii naman ay nasa korea at di na pinayagan ng mga magulang nya na sa Pinas na lang mag-aral. Bibisita na lang daw ito ng Pinas kapag holidays at bakasyon.

"Hi Sierra, Hello Aness!" bati nito.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Sierra kay Julia in her bitchy mode. Sinenyasan naman ni Aness si Julia na may dalaw ito kaya mainit ang ulo. Sabay pang natawa ang dalawa dahil sila lang nagkakaintindihan.

"Stop laughing you two gives me creep. Uulitin ko anong ginagawa nyo dito Julia?"

"We're studying here" bulong ni Julia. Ang totoo nyan alam naman talaga ni Anessa na dito nag-aaral sila Julian at barkada nito dahil sa minsang nagkakwentuhan ang mga ito sa davao outing nila. Eh alam nyo naman si Sierra laging walang pakealam sa mundo.

"Weh?" tanong ni Aness. Galing umarte ng babae na ito. Sya din ang nagtext kay Julia kung nasaan sila.

"Nasa ibang panig kami ng University."

"HA-HA-HA sa bagay ang laki nitong University at sa dami ng nag-aaral matatandaan ba namin lahat ng estudyante" Pagmamaang maangan pa nito. Hindi na nakasagot si Sierra dahil tama si Anessa. Hindi naman kasi sila laging nakatambay ni Anessa sa eskwelahan kaya wala silang pakealam sa iba pang mga estudyante dito.

"Hi Girls! Hi Anessa" bati ni Ace sa kanila. Syempre si Aness halos magnining ang mata. Dahil sa pang dalawahan lang ang inuupuan nila Sierra wala silang nagawa kung hindi ang lumipat sa iba. Puno pa rin ng bulungan ang cafeteria.

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon