MNB48-Revelations

1.1K 27 2
                                    

May dahilan ako kung bakit ko nasabi kay Julian yun. Hanggang ngayon hindi pa din matahimik ang konsensya ko. Oo masaya na sana pero may parte sa utak ko na nagsasabing hindi tama. Hindi tama Sierra dahil may tinatago ka pa kay Julian. At natatakot akong malaman ni Julian yun. Nadelay ang pag-alis namin papuntang Cebu dahil magkagalit nga kami ni Julian. Isang linggo niya na akong di kinakausap.


"Sino to?" tanong ni Julian pagpasok ko ng kwarto namin. Hawak hawak niya ang isang maliit na photo album nanginig ang buong katawan ko ng makita ko ang hawak niyang picture.


"Who is this little girl Sierra?" ulit niya.


"ANSWER MY QUESTION SIERRA!" galit na sigaw niya sa akin. Napako lang ako sa kinatatayuan ko pakiramdam ko tumigil ang mundo ko, pakiramdam ko gumuguho ang lahat ng nasa paligid ko. Naramdaman kong umaagos na lang ang luha sa mga mata ko.


"She's Sharmaine Savier's twin sister." bulong ko pero sapat lang para marinig niya. Two years old palang si Sharm at Save sa picture na hawak ni Julian. Sharmaine was named after Julian's favorite car Shasha.


"What?" di makapaniwalang tanong niya. "Ginagago mo ba ko? Where is she? Bakit di niyo siya kasama?"


"Wala na siya." doon nanlambot ang mga tuhod ko napaupo na lang ako sa sahig. "Nawala siya nung nasa isang park kami sa France may tumawag kasi sakin at di ko napansin na lumayo si Sharmaine and when we saw her she was hit by a car. Hit and run. Kaya nung kinidnap mo si Save halos mabaliw ako dahil natakot akong baka maulit uli yung nangyari." tuloy pa din ang pagbuhos ng luha ko.


"Your just kidding." sagot ni Julian sa akin.


"I'm sorry Julian. I'm sorry."


"Ano pa bang hindi ko alam Sierra? Ano pa ba?"


"Until now sinisisi ko pa rin yung sarili ko sana hindi ko na lang sinagot yung tawag, sana buhay pa siya ngayon."


"Letse Sierra Chantelle pinabayaan mo siya. Sa ating dalawa ikaw ang irresponsable. Sinolo mo kasi ang lahat ng responsibilidad sa kanila.. Bakit ganun Sierra? Bakit?"


"God knows hindi ko ginusto yun. Oo kasalanan ko. Kasalanan ko lahat. Pero Julian sana naman huwag mong ipamukha sa akin na irresponsable akong ina."


"But you are. Hanggang kailan ba ko masasaktan dahil dyan sa mga sikreto mo? Ano may hindi pa ba ko alam?"


"I'm so sorry."


"Lintik naman Sierra. Can your sorry bring back her life? Hindi naman di ba? Hindi mo siya mabubuhay ng mga sorry mo." nangagalaiti sa galit si Julian. "Ito pala yung sinasabi mong issue? Kaya ka nakikipaghiwalay."


Hindi na ako makasagot pa sa kanya. Nawala na yung dating ako na kayang makipagsagutan sa kanya. Narinig kong huminga ito ng malalim.


"Pagod na ako Sierra. Sa loob ng limang taon nakakapagod na rin na mahalin ka. "


"Juls."


"You know what this is the best for us. I'll give you the separation that you want." doon muling tumulo ang luha ko.


Julian give up. He already did at ang sakit sakit.

MY NERDY BOSSWhere stories live. Discover now