MNB62 - My Turn

1K 32 4
                                    

Author's Note: Kung kinilig ka sa last chapter, sisiguraduhin kong mas kikiligin ka sa new chapter. Leave a comment, guys! Enjoy!😘

Sierra's POV

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa mga pinagsasabi ng bwisit na 'to. Hindi ko din alam kung dapat ba akong kiligin at matouch sa mga bawat salitang binibitiwan niya. Seriously? Julian? The great Julian saying these things in front of me, in front of everyone and in front of God. This is unbelievable.

"You are speechless, Misis." Bigla akong bumalik sa wisyo. Akala ko tapos na ang kasal. Akala ko tapos na ang panaginip ko. Akala ko nagising na ako. Hindi pala dahil totoo na 'to.

Isang ngiti ang binigay ko kay Julian. This time ako naman. Bigla akong nanlamig. Ano ba, Sierra? Umayos ka. Kinakabahan ako. Parang majejebs na di maintindihan. Bigla akong pinagpawisan. Ano ba kasing sasabihin ko? Magdadrama ba ko? Hindi ako handa. Literal.

Huminga ako ng malalim bago magsalita napansin ko naman na parang inaabangan ng lahat ang sasabihin ko. Mas lalo akong napressure.

"Siraulo ka. Abnormal. May saltik. Ang sama ng ugali mo. Spoiled Ass...." Nanlaki ang mata ni Julian sa mga sinabi ko. Napatingin naman ako sa mga bisita. Napatanga sila siguro naguguluhan sa mga sinasabi ko, sila Ely ay napakamot sa ulo. Muli akong napatingin kay Julian ang sama ng tingin nito sa akin. Si Father napahawak sa batok.

Nag peace sign muna ako sa kanya bago ako muling magsalita. "Pero ikaw yung pinili nitong mahalin." I pointed to my chest. Doon lang lumiwanag ang mukha ni Julian.

"Hindi ko alam kung paano sisimulan 'to. Julian, thank you for not giving up on me." Doon na tumulo ang luha ko. "Thank you for keep on fighting for us even if I already surrendered. Thank you for dealing with my selfishness. Thank you for making me feel that I'm more than special to you. Thank you for staying no matter how hard the situation is. And no matter how hard I was before. Thank you for being my Julian. I love you, Juls. And I promised to stay and never run away again. I promised to love you everyday without any hesitations. I promised to love all your flaws and mistakes. Today is the best day of my life. Today is the great day to start my forever with you my husband."

I saw Julian in tears. Umiiyak siya. The great Julian is crying. I wiped his tears.

"Ang iyakin mo naman, Mr. Andrada." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman umiiyak na din ang mga bisita. Lalo na sila Anessa at ang mga mommy namin pati na din si Lola Sonya.

"I love you." He murmured and give me a quick kiss on the lips. Nagulat din ang pari.

"Hoy Julian! Wala pang you may kiss the Bride!" Sigaw ni Julia.

"Wooooh, thats my man!" Sigaw naman ni Ely.

Napuno ng hiyawan ang buong paligid.

:) Keep on voting myloves! :)

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon