MNB54- Going Home

1.1K 28 0
                                    


Nakasimangot na bumaba si Julian habang ako at si Mommy ay nagpeprepare ng breakfast dito sa kusina. Nakita ko siyang kumuha ng tubig sa refrigirator na walang kaimik imik. Hindi ba uso sa kanya ang salitang goodmorning?


"Mukhang hindi yata maganda ang gising mo, Julian." bati ni Mommy sa kanya. Pero bago siya sumagot ay tinignan muna niya ako. Anong sapi na naman ang meron ang isang ito?


"Medyo masakit po kasi ang ulo ko, Tita." matamlay na sagot nito.


"Mommy na lang. Anyway Sierra kumuha ka ng tylenol sa medicine cabinet at bigay mo kay Julian. Matatapos na naman itong niluluto ko. Tawagin mo na din yung maglolo sa pool side." utos ni Mommy sa akin. Nakita ko naman na napangiti si Julian.


"You are too caring, Mommy. I was wondering kanino po nagmana 'tong si Sierra?" Out of nowhere na tanong ni mokong kay Mommy. Eh kung pukpok ko kaya sa kanya 'tong tasa na hawak ko. Tatanungin ko pa naman siya kung gusto niyang magkape. Magpapakacaring na nga ako babanat pa ng ganun. Napurnada tuloy.


Bahagyang natawa si Mommy sa tanong niya. "Nagtataka nga rin ako. Hindi naman masama ang loob ko ng pinagbubuntis ko 'yan ewan ko ba. Ganyan na talaga yan. Masanay ka na."


"Hello? Nageexist ako. Ako kaya yung topic nyo. Tara na nga, Andrada." sabay hitak ko sa kanya papunta sa kwarto kung saan nakalagay ang medicine bag ni Mommy. Nurse nga pala siya.


"Babe?" sabay yakap ni Julian sa likod ko. Habang kinukuha ko ang gamot sa medicine cabinet. Hindi naman ako umiimik.


"Babe? Nagjojoke lang ako." Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa baywang ko. Andrada, you!


"I love you, Sierra." bulong niya sa akin. Dahilan upang malaglag ang gamot na hawak ko.


"Nakakatense ba 'yung salitang I love you ha? Sierra?" hinarap niya ako sa kanya. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa. Then suddenly he kissed the top of my nose. JULIAN!!!


"I love you, kung alam mo lang. I'm dying not to be with you. It kills me." seryosong sabi niya sa akin and gave me a peck on my lips.


"Tangina. Di ka na nakasagot?" Medyo naiinis na mura niya. Nakatitig lamang ako sa kanya.


"I don't know what to say."


"You can say you love me too? Or--


"That was given already. You know it. Teka nga akala ko ba masakit ang ulo mo?" nagtatakang tanong ko.


"Sabi ko naman sayo di ba? You are a good medicine. Good enough for me." Sinapok ko nga. Daming alam eh.


"Aray. ANO BA?"


"MAARTE KA! May nalalaman ka pang hindi ako caring eh dapat lang naman pala talaga. Ano gusto mong mag-artista?"


"Teka nga. Meron ka ba? Ang init bigla ng ulo mo? Panira ka ng mood."


"Ah ganon. Peste. Sige umuwi ka ng Manila ng mag-isa." dahil sa sinabi kong yun ay bigla siyang naalarma.


"Bawiin mo yang sinabi mo." pero imbis na bawiin ko ay lumabas na ako ng kwarto. Naramdaman ko naman na nakasunod siya sa akin.


"Hoy, Sierra bawiin mo 'yun." sakto naman na nasa labas pala si Daddy at Save. Kaya narinig niya ang sinabi ni Julian.


"Ganyan mo pala kausapin ang anak ko, Andrada?" matigas na sita ni Daddy. Natawa naman ako sa reaction ni Julian.


"Ah ano po kasi---


"Dad. Uuwi na kami mamayang after lunch."


"Talaga mommy? We're going home na?" masayang tanong ni Save sa akin.


"Yes, baby. Para maenroll ka na din ni Mommy."


"Yehey, back to school."


"Hindi ka na umimik dyan, Andrada. Nalunok mo na ba yang dila mo?"


"No, Sir."


"Fine. Take good care of them." paalala ni Daddy sa kanya.


"Breakfast is ready!" Mommy shouted from the kitchen.


"I love you, Juls." Bulong ko kay Julian at inakay ko na si Savier papuntang kitchen.




MY NERDY BOSSWhere stories live. Discover now