MNB51- Mother's knows best.

1.2K 31 0
                                    


Literal na napatanga si Carl, Carlos at ang daddy ni Sierra ng makita kung sino ang mga kasama nito. Natigil ang mga ito sa panood ng NBA sa living area. Si Carl ang unang tumayo upang lapitan sila Sierra agad naman siyang niyakap ni Savier.

"Hey big boy!" bati nito.

"Tito do you have xbox here?" masayang tanong ng bata.

"Of course I have. Teka ate anong ginagawa ng gag-" nakita kong tumayo si Daddy mula sa sofa.

"Your mouth Carl. Save come here."

"Anong nga bang ginagawa niyan dito?" galit na tanong din ni Carlos dito. Pinandilatan naman siya ng mata ni Sierra kahit noon pa ay mainit na ang dugo nito kay Julian. Napahawak naman sa batok si Julian.

"Carlos!" saway niya.

"May bisita ba tayo?" lumabas ang Mommy ni Sierra from the kitchen. Tulad ng reaksyon ng iba nagulat din ito. Julian is standing at Sierra's back.

"Mommy, Daddy si Julian at si Jules Savier anak namin. Save lola at lolo mo sila." Tumingin muna si Sierra kay Julian bago bumaba para magpantay sila ng bata.

"Really?"

"Yes give them a hug." sinunod naman ito ni Save.

"Ang laki mo na and so pogi." sabi ng ina ni Sierra habang pinipisil ang pisngi ni Save.

"Young Andrada." tawag ni Dad kay Julian.

"Sir?" magalang na tugon nito.

"Daddy." pigil ni Sierra kita mo ang pagaalala sa mukha niya.

"You are out of this Chant. We need to talk man to man, Carlos and Carl come with us in the library." His dad said seriously. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nila.

"Yes General." sagot ni Carl sa ama at si Carlos ay tumango lang. Napalunok naman si Julian.

Naunang umakyat si Daddy dahil nasa second floor ang library niya. Sumunod naman ang dalawang kapatid ni Sierra at sumunod na din Julian.

-

"What are they doing Mom?"

"Boys talk baby."

"But I'm a boy too." napabuntong hininga naman si Sierra.

"Nag-aalala ka?"

"Yes mommy hindi ko alam kung ano tumatakbo sa utak ni Daddy at nila Kuya."

"Malaki na ang pinagbago ng daddy mo just trust him." paalala ng kanyang ina at bumaling sa bata. "Tara sa kusina Save may ice cream dun. And Sierra help me to prepare the lunch." tumango na lamang si Sierra sa ina.

Sierra's POV

Magkakalahating oras na simula ng pumasok sila sa library hindi ko alam kung anong nangyayari at kung ano ang pinaguusapan nila. Sa totoo lang kinakabahan ako. Sound proof ang library ni Daddy may baril at samurai siya dun. Sinong di mapapraning kakaisip? May baril siya because before he became a businessman he's a policeman.

"Chant yung cheese!" sigaw ni Mommy nagulat naman ako ng makitang umaapaw sa cheese ang spaghetti na nilalagyan ko ng keso.

"Sorry mommy."

"You love him that much?"

"Mom!"

"When you get paranoid to someone, when you worry to much about that person, It's absolutely love Chantelle. You love him. So you love him right?" diretsong sabi ni Mommy sa akin. For the past years na nawala ako at di ko sila kasama ngayon na lang ulit kami nagkausap ng ganito.

"Bakit di ka makasagot? Simple lang naman ang tanong ko. Answerable by yes or no."

"Yes I do love him but-"

"Kapag mahal mo ang isang tao walang pero pero kahit ano pa yung naging problema nyo. You should stick to the word love, love for each other. Yun ang dapat na kinakapitan mo hindi ang mga doubts mo." I admire Mommy for being such a strong woman. Mother's knows best.

"You know what the main reason why your dad and I still together? Dahil mahal namin ang isa't isa. Kahit pa ang daming nangyari, kahit pa ang dami niyang sekreto. Kasi anak kapag nagmahal ka lahat kakayanin mo, lahat tatangapin mo."

"I'm the one who hide secrets to him, I'm the one whose being unfair to him since then." I tell everything to her. Una nagulat siya. Gusto nga niya akong sabunutan eh. But my mom is one of a kind she hugs me.

"May panahon pa para itama ang mali. You're holding that chance right now. You are now a lady Chantelle. You have Savier already at ang angel mo sa taas na si Sharmaine. And you have Julian with you. Patawarin mo ang sarili mo, palayain mo lahat ng sakit na kinikimkim mo. Be with the one you love. Stop blaming yourself anak."

"Thank you, Mommy." tatlong salita lang ang kaya kong isagot sa kanya. She's right. Dapat ako naman.

Kalahating oras pa ang lumipas bago bumaba sila Daddy. Nagulat ako ng makita kong puro pasa ang mukha ni Julian. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"WHAT DID YOU DO TO HIM?"

Author's Note: After 500years nakapagupdate din sana may nagbabasa pa! SARREH. Please help me to promote my stories :)
(AND LISTEN UP MY SHORT STORY ENTITLED "BREAKING THE RULES" WAS INCLUDED TO HEARTBREAKERS SEASON 2 VOLUME ONE stick man yung cover under PSICOM. Bili po kayo available in all leading bookstores. Salamat.)

Enjoy Reading =)

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon